Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Sa Meycauayan, Bulacan
Madulas na pugante tiklo

Matapos ang mahabang panahong pagtatago sa batas ay naaresto ng pulisya ang isang madulas na pugante sa operasyong isinagawa sa Meycauayan City, Bulacan kahapon.

Sa ulat, ang matagumpay na operasyon ay inilatag dakong alas-7:45 ng umaga sa Brgy. Bayugo, Meycauayan City.

Ito ay nagresulta sa pagkaaresto kay Mark Oniel Lagpao, na kilala bilang alyas Onel, 23, na matagal nakaiwas sa pag-aresto bilang Bulacan Provincial Top 1 at Top 4 City Level MWP, ayon sa rekord.

Ang operasyon na pinangunahan ng Meycauayan CPS, ay ikinasa sa pakikipagtulungan ng PIT Bulacan/RIU 3. 

Ang arrest warrant ay inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 77, Malolos City, Bulacan, at may kinalaman sa dalawang kasong kriminal kaugnay sa  Section 12 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), na nauukol sa Service of Sentence order.

Si Mark Oniel Lagpao ay tinakasan ang hustisya matapos maharap sa matinding kaso na nauugnay sa mga aktibidades ng iligal na droga. 

Ayon kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang pagkahuli sa akusado ay kumakatawan sa makabuluhang tagumpay para sa Bulacan PNP sapagkat ito ay nailagay sa kanilang kustodiya at naghihintay ng legal na paglilitis. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …