Dinakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang ama at kanyang anak matapos masamsaman ng milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malolos City, Bulacan.
Sa pahayag mula sa PDEA, si Anthony Chua, na kinilalang Chinese national, at kanyang anak na si Jay Vie Cai, kapuwa residente ng Pleasant Village sa Barangay San Pablo sa naturang lungsod ay naaresto matapos ang may isang buwang “casing and surveillance”.
Matapos matanggap ang impormasyon mula sa tipsters hinggil sa kinaroroonan ng mga suspek, ang team mula sa PDEA Tarlac at Bulacan Provincial Office ay kaagad pumuwesto sa lugar at nagkasa ng buy-bust operation.
Napag-alamang ang mga suspek ay matagal nang may maramihang reklamo sa komunidad dahil sa kanilang mga transaksiyon sa iligal na droga.
Ayon sa PDEA, narekober sa mag-amang suspek ang isang self sealing plastic bag na naglalaman ng humigit-kumulang sa 500 gramo ng shabu na tinatayang may street value na P3,450,000 at marked money na ginamit ng undercover agent.
Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay sa Section 26B (conspiracy to sell) ng Republic Act (RA) 9165 na kilala rin bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.’’ (MICKA BAUTISTA)
Sa Malolos, Bulacan
Check Also
Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN
IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …
DSWD relief goods inire-repack
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN
HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …
Chavit, umaariba sa poll ratings
HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …
Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT
IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …
Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP
KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …