Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Franchesco Maafi

Franchesco Maafi may espesyal na talent sa pinagbibidahang pelikula

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS mapanood sa mga GMA series, bida na ngayon sa unang pagkakataon sa pelikula ang Kapuso child actor na si Franchesco Maafi at ito ay sa The Special Gift.

Ako po si Liam dito, ako po ay parang special na bata, mayroon po akong Savant Syndrome, parang mayroon po akong mild autism.”

Kuwento naman ni Franchesco o Choco ukol sa titulo ng pelikula nila, “Pinag-isipan po ‘yan ni direk, kasi lahat po kaming magkakapatid dito parang mga special po, may special talents, kaya po special gift ang naisipang title niyong movie.”

Unang nakilala si Choco sa mga Kapuso serye tulad ng Beautiful Justice, Nakarehas Na Puso, at Hearts On Ice bilang batang Xian Lim.

Ano ang pinakapaborito niya sa mga teleseryeng nagawa?

Lahat po, lahat po maganda, lahat po paborito ko.”

Ongoing na ngayon ang mga block screenings sa iba’t ibang sinehan. 

Kasama rin sa pelikula sina Mike Lloren, Migui Moreno, Malou Canzana, Romina Cauilan, Ella Sheen, ang newbie actor na si Angelo Gomez, at ang young actor na si BJ “Tolits” Forbes. May special participation si Soliman Cruz.

Ang ‘The Special Gift’ ay sa isinulat ni Erick Castro, with Mr. Roy Gomez as executive producer (ng RC Gomez Entertainment Productions), at idinirehe ni Lawrence Roxas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …