Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

Kabilang ang kumakandidatong Kapitan
LADY CHEF PINULUTAN SA INUMAN NG APAT NA KALALAKIHAN

ISANG lady chef ang ginahasa ng apat na kalalakihan sa garahe ng truck sa sa San Jose Del Monte City, Bulacan nitong Linggo ng madaling araw.

Batay sa sumbong na ipinarating sa San Jose Del Monte City Police Station {CPS}, ang biktima na itinago sa alyas Kitty 36, ay pauwi na sa sa kanilang bahay nang harangin ng mga nagkakasiyahang kalalakihan sa Isang garahe ng truck sa Barangay Tungkong Mangga, sa naturang lungsod.

Ayon sa naging pahayag ng biktima ay pinatagay siya ng ilang baso ng alak ng mga suspek hanggang makalipas ang ilang sandali ay nakaramdam na siya ng pagkahilo

Dito na aniya siya pinagtulungang dalhin sa barrack ng mga driver at helper kung saan siya pinagpasa-pasahang gahasain at ang una umanong gumahasa sa kanya ay si alyas MacMac .

Matapos magsumbong sa mga awtoridad ang biktima ay kaagad naaresto sa ikinasang hot pursuit ang tatlo sa apat na suspek  na sina alyas Ancheta, 46; alyas Labo 39; at alyas Ceniza, 29; samantalang bigo namang nadakip si alyas Macmac. 

Hindi naman tinukoy ng mga awtoridad kung sino sa mga suspek ang tumatakbong Kapitan ng barangay bagama’t sinabing isa nga sa kanila ito. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …