SA makabuluhang operasyon ng mga tagapagpatupad ng batas sa Bulacan ay matagumpay na nadakip ang isa sa most wanted na pugante sa lalawigan nitong Oktubre 2.
Sa sama-samang pagtutulungan ng pulisya sa Bulacan na pinamumunuan ni Police Colonel Relly Arnedo ay nagresulta sa pagkahuli sa highly priority target na 3rd most wanted sa lalawigan.
Sa inilatag na police operation dakong alas-9:40 ng gabi, ang mga operatiba ay isinakatuparan ang Warrant of Arrest laban kay Regie Canoza y Manabat, na nakatala bilang 3rd most wanted person sa provincial level sa Bulacan PPO.
Si Canoza ay nasakote sa Brgy. Poblacion, San Ildefonso, Bulacan kaugnay sa kinakaharap nito na mga kasong Frustrated Murder at Frustrated Homicide sa ilalim ng Criminal Case Numbers 4921-M-2023 at 4922-M-2023.
Para makalayang pansamantala, ang akusado ay inirekomenda ng hukuman na magpiyansa ng halagang Php200,000.00 para sa Frustrated Murder at Php72,000.00 para sa Frustrated Homicide. (MICKA BAUTISTA)