RATED R
ni Rommel Gonzales
APATNAPU’T ANIM na taon na ang Mrs. Universe pero ni minsan ay hindi pa nanalo ang Pilipinas sa international beauty pageant.
At ngayong 2023, ang kandidata kaya nating si Arlene Cris Damot na ang unang Pinay na makasusungkit ng korona bilang Mrs. Universe?
May mister na Malaysian at dalawang anak na lalaki si Arlene.
Nababalanse naman ni Arlene ang pagiging isang beauty queen, asawa, ina ng dalawang anak na lalaki, at pagiging businesswoman.
“Balance…time management talaga, of course family na muna talaga, ‘di ba, that’s our priority.
“And then for being an entrepreneur and then a mom and a beauty queen as well, time management talaga is very important,” ani Arlene.
Pagmamay-ari nina Arlene at asawa ang Royal Aesthetics Clinic na binuksan noong 2018 at may anim na branches na ngayon sa buong Pilipinas; sa Multinational Village sa Paranaque, Bacoor, Cavite, SM Imus, SM North, SM Las Pinas, at SM Baliuag, sa Bulacan.
May Professional Certificate in Advanced Aesthetics si Arlene mula sa prestihiyosong EIU sa Paris, France at isang Medical Aesthetics Certified ng International Academy of Aesthetics Sciences.
Nagsimula ang medical field journey ni Arlene sa pagiging isang certified board passer na registered Nurse hanggang sa pagpapakadalubhasa niya sa general surgery, otolaryngology at dermatology sa Global Doctors Malaysia.
Aktibong member si Arlene ng Association of Dermatology & Aesthetic Nurses of the Philippines, isang true professional ito sa Advance Aesthetics na certified ng European International University sa Paris at kasalukuyang tinatapos ang kanyang Doctor of Medicine degree.
Gaganapin ang Mrs. Universe 2023 grand coronation night sa October 8 sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts Manila sa Pasay City.