Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

  Siyam na law breakers sa Bulacan arestado

Sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa ay nagresulta sa pagkaaresto ng siyam na indibiduwal na pawang lumabag sa batas.

Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa pagtugis ng team mula sa warrant operatives ng SJDM CPS, Guiguinto MPS, 1st at 2nd PMFC, sa mga wanted na kriminal ay nagresulta sa pagkaaresto ng apat na indibiduwal.

Kinilala ang mga arestado na sina Fernando Sahagun para sa Robbery; Richard Santiago sa paglabag sa  RA 9165; Evangeline Vizcarra para sa Estafa; at Benny Gabinay para sa krimeng R.A. 9165 Art. II Sec. 5 at 11 na walang inirekomendang piyansa (service of sentence).

Ang mga akusado ay inaresto sa bisa ng  warrants na inilabas ng korte at silang lahat ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting units/stations para sa nararapat na disposisyon.

Samantala, dalawang suspek ang arestado sa krimeng robbery sa Brgy. Liciada, Bustos, Bulacan kung saan ang biktima ay nag-ulat ng pagnanakaw ng Php 30,000 mula sa safety deposit box ng tindahan. 

Nakita sa surveillance footage na isang suspek ang pumasok sa tindahan sa pamamagitan ng pagpasok sa kisame, na tinulungan ng dalawang  lookout kabilang ang isang menor de-edad.

Narekober ng pulisya ang cash na Php9,900, at ang dalawang arestadong suspek, kinilalang sina Christoper Silvestre, 25; at Patrick Malllari,20, ay mahaharap sa kasong kriminal samantalang ang menor de-edad  ay dinala sa  Bustos MSWD para sa assessment.

Gayundin sa Bustos, Bulacan, arestado si Jayson Balita alyas Boy Lu, na sinasabing umatake sa dalawang persons in authority sa Brgy. Catacte. 

Ang kaguluhan ay nagsimula nang ang suspek ay hamunin ang biktima ng suntukan matapos na komprontahin sa reckless driving. 

Iniulat na si Balita ay sinuntok ang isa sa biktima ng walang kadahi-dahilan na nagresaulta sa pagkakaroon nito ng pinsala sa katawan. 

Nadiskubre pa ng mga awtoridad na ang suspek ay nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ng mga oras na iyon.

Ang mga arestadong lawbreakers ay kasalukuyang nasa police custody habang ang mga kinakailangang dokumento ay inihahanda para sa pagsasampa sa kanila ng kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …