NASAMSAM ng Department of Agriculture – Inspectorate and Enforcement (DA-IE) at 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗮𝘁 𝗜𝗻𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 (NMIS) ang aabot sa 1,714 kilo ng Imported Indian Buffalo Meat sa isinagawang joint anti-smuggling at food inspection sa Kadiwa wet market sa Dasmariñas Cavite.
Ayon kay Assistant Secretary James Layug, pinuno ng DA-IE, nadiskubre ang dalawang di-rehistradong cold storage at limang refrigerated vans na naglalaman ng imported Indian Buffalo meat na nagkakahalaga ng P 445,666.
Ipinasisiyasat ni Layug sa NMIS Region 4-A ang mga nakompiskang buffalo meat upang pagkatapos ay agarang sirain.
Ayon kay Layug, ang isinagawang operasyon ay bahagi ng kampanya ng DA laban sa ilegal na pangangalakal ng buffalo, maliwanag na paglabag sa 𝗗𝗔 𝗔𝗖 𝗡𝗼. 𝟭𝟮 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟭𝟱 na mas kilalang bilang “Updated Rules and Regulations Governing the Allocation, Importation, and Utilization of Fresh Frozen Buffalo Meat from India.”
Bukod dito, ito ay paglabag sa 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 (𝗥𝗔) 𝟵𝟮𝟵𝟲 o mas kilala bilang “The Meat Inspection Code of the Philippines. (ALMAR DANGUILAN)