Friday , November 15 2024
Drug den giba sa Pampanga 4 TIMBOG, P.1-M SHABU KOMPISKADO

Drug den giba sa Pampanga
4 TIMBOG, P.1-M SHABU KOMPISKADO

ARESTADO ang apat na indibidwal habang nasasamsam ang higit sa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu nang buwagin ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang drug den sa Brgy. Dau, lungsod ng Mabalacat, sa lalawigan ng Pampanga nitong Biyernes, 29 Setyembre.

Sa ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alfredo Pare, Jr., 44 anyos; Paulo Pare, 52 anyos; Joanito Palo, 51 anyos; at Ma. Corazon Galang, 36 anyos, pawang mga residente sa nabanggit na lungsod.

Nadiskubre ng operating teams ang anim na selyadong pakete ng plastic, hinihinalang shabu, may timbang na 15 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P103,600; sari-saring paraphernalia; at ang buybust money.

Isinagawa ang operasyon ng magkasanib na mga elemento ng PDEA- Tarlac, Pampanga PPO, at ng lokal na pulisya ng Mabalacat.

Inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …