Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kids Toy Kingdom show

Kathryn, Bitoy, at Barbie, wish maging guest sa Kids Toy Kingdom Show ng mga host nito 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AARANGKADA na ngayong Sabado (Sept. 30) ang Kids Toy Kingdom Show (Season 2) at ipinahayag ng direktor nitong si Perry Esçaño na hindi lang para sa mga bata ang programang ito.

Aniya, “Cater po siya sa lahat, from kids hanggang adults. Kasi, ang daming toy collectors. Kahit na 40 years old, 50 years old, ang daming bumibili ng mga collection na toys, especially yung mga Marvels. So, may may discussions sa groups na yung hobby talaga nila and kahit iyong mga vintage toys, hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin. So everytime na may mga ganoong discussions, maraming tao ang nai-involve na pag-usapan iyong mga ganoon.”

Hosts nito sina Sebreenika Santos, Honey Love Johnson, Cheska Maranan, at Tom Leaño. Ang pilot episode nito this Saturday ay mapapanood ng 3pm to 4pm ng live  sa Kids Toy Kingdom FB Page, with replays sa Glitter Channel FB Page and YouTube.

Nabanggit din ni Direk Perry kung paano napili ang tatlong new hosts nito. Aniya, “Iyong three kids, nag-undergo sila ng workshop, so nakitaan ko sila ng talent, hindi lang sa acting, singing at dancing, at the same time, yung hosting dinevelop namin sila.”

Nang usisain naman ang apat na hosts nito kung sino ang  wish nilang maging guest sa Kids Toy Kingdom show, sinabi nilang sila Kathryn Bernardo, Michael V., at Barbie Forteza.

Wika ni Tom, “Si Michael V. po, dahil grabe ang mga collection niya, halos lahat yata may collection siya, madalas po akong nanonood sa kanya, madalas ko pong makita sa kanya yung mga car, Transformer, and Disney, mga ganoon po ang toys niya kaya na-inspired po ako sa toys niya.”

Ayon naman kay Cheska, “Ako po si Kathryn Bernardo po, because idol ko po siya, kasi natural po siyang mag-acting at maayos po siyang mag-deliver ng lines. At saka siguro po kung mag-guest siya sa amin, mae-enjoy niya po, kasi noong bata siya ay mahilig din siya sa toys, lahat naman po ng bata, eh.”

“Kathryn Bernardo is my answer,” matipid na wika naman ni Honey Love.

Saad naman ni Sebreenika, “It’s Barbie Forteza, because magaling po siyang mag-deliver ng lines, magaling po siyang mag-acting, magaling po siyang umiyak, idol ko po siya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …