Sunday , December 22 2024
Abdul Rahman Glydel Mercado Travis Clarino

Abdul Rahman ibabahagi pakikibaka sa buhay noong pandemic

RATED R
ni Rommel Gonzales

KASAGSAGAN ng COVID-19 pandemic noong 2021 nang pag-usapan ang naging kalagayan ng Sparkle male artist na si Abdul Rahman.

Umapela ng tulong pinansiyal noon si Abdul para sa mga gastusin sa ospital ng kanyang ina na na-stroke at inoperahan.

Umabot pa sa punto na nagbenta si Abdul ng mga gamit at lumapit sa mga taong may ginintuang puso, at isa mga taong tumulong sa kanya ay ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Isa lang iyan sa mga struggle ni Abdul na ipakikita ngayong Sabado sa Magpakailanman o #MPK.


Ipakikita rito ‘yung struggles ko sa UAE,” umpisang kuwento ni Abdul. “How I really really wanted to leave the country and go back to the Philippines.

“May magaganap pang mga unforeseen na struggles ko roon and how I overcome it with my mom.”

Nakaranas din sila ng nanay at kapatid niya ng mga physical at verbal abuse noong nasa UAE sila.

“If I could describe my life story in one word, I would describe it as chaotic. Chaotic talaga. Honestly, maraming nangyari–good, bad–pero in the end of it all, tanggap pa rin natin eh,”
 sinabi pa ni Abdul.

Gaganap si Abdul as himself at si Glydel Mercado naman ang gaganap bilang ina ni Abdul na si Joyettes, with Travis Clarino ay gaganap naman bilang nakababata niyang kapatid na si Ziad.

Mapapanood ang brand new episode ng Magpakailanman na “My Mother and I: The Abdul Raman Story,” ngayong Sabado September 30, 8:15 p.m. sa GMA.

Naka-livestream din ng sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …