Saturday , November 16 2024

Zamboanga City Jail, kauna-unahang BJMP Gray Dove Awardee

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

PINARANGALANG Best Jail Facility nitong 21 Setyembre 2023 ang Zamboanga City Jail-Male Dormitory. Bukod pa sa kauna-unahang pinarangalang bilang Gray Dove Awardee, sa lahat ng mga pasilidad na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ops hindi lang the best kung hindi nanguna sa ginanap na Bureau of Jail Management and Penology’s national search for the most outstanding jail unit on peace building and innovations.

Tama ang inyong nababasa, numero uno ang ZCJMD at inilampaso ang iba pang 478  districts, cities, at municipal jails sa buong bansa. 

Nakapagtataka pa ba ang pagpaparangal sa pasilidad? Teka, sino ba ang Warden ng Zamboanga City Jail Male Dormitory? Sino nga ba? Ang mapagpakumbabang si Jaunt. Xavier Solda pala na dating spokesperson ng BJMP.

Kaya naman pala, dahil kung governance at leadership ang pag-uusapan, aba’y saludo ang nakararami kay Solda. Ang hanay ng mga mamamahayag ay saksing buhay kung gaano kasinseridad si Solda para paglingkuran ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na ipinagkatiwala at pinaalagaan sa kanya.

Sinundan naman ng Parang District Jail ang ZCJMD bilang ikalawa at ang ikatlo naman ang Olongapo City District Jail makaraan ang masusing paghusga at patunay na isinagawa ng BJMP National Program on Awards and lncentives for Service Excellence (PRAISE) Committee. 

Ang pagpili para sa Gray Dove Award ay ginaganap taunan tuwing ika-21 ng Setyembre  kaugnay sa selebrasyon ng International Day of Peace or “Peace Day.” 

“The annual search aims to identify outstanding accomplishments in preventing and countering violent extremism and the implementation of peace-building efforts. Likewise, encourages creativity, innovativeness, efficiency, integrity, and productivity, by recognizing and rewarding the superior accomplishments of jail units, and to further promote a culture of peace in the organization,” pahayag ni BJMP chief Director Ruel Rivera.

“It’s not ordinary to engage PDL with terrorism-related cases including those who are living with the trauma of their difficult past,” ayon  kay  Solda. 

“But no matter how difficult our job is, we are ready to listen and more than willing to extend our hand to help each of the PDL under our care in their reformation process,” dagdag ni Solda. 

Sinabi ni Solda, ang reporma sa piitan ang nagbigay tulong sa PDL upang magkaisa para sa kaayusan at katahimikan partikular ang training and education, provision of livelihood opportunities, health service delivery, facility developments, at decongestion initiatives.

“Our job becomes more serious because of the violent extremist offenders being placed under our care but we will continue to move forward with our welfare and development efforts,” ayon pa kay Rivera.

“The jail bureau will continue to align ourselves and our peace efforts with our partners in the peace and security sector toward a just and lasting peace for our country,” dagdag ng BJMP chief.

Siyempre, binabati rin natin sina Majority Floor Leader Congressman Mannix Dalipe,

Zamboanga City Mayor John Dalipe, 1st District Congressman Khymer Olaso, at Zamboanga City Administrator Atty. Wendell Sotto dahil sa walang humpay na pagsuporta nila sa reporma ng pasilidad. 

Congratulations po mga sir… nawa’y patuloy ang pagsuporta ninyo para sa mga PDL.

Ang awarding ceremony para sa Gray Dove Award ay ginanap sa BJMP National Headquarters bilang selebrasyon ng National Peace Month Commemoration. 

E di, kung the best city jail ang ZCJMD at kauna-unahan tumanggap ng Gray Dove Awardee at pinakain ng alikabok ang 478 pang pasilidad, ibig sabihin nito sa anniversary ng BJMP ay awtomatikong si Solda na ang Most Outstanding Warden of the Year. Matik na ‘yan!

Congratulations sir, Supt. Solda!

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …