Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana All Access to Artists AAA 2

Tom handang harapin ni Carla — Hindi naman ako parang magpa-panic or matatakot 

RATED R
ni Rommel Gonzales

DERETSAHANG sinagot ni Carla Abellana ang mga tanong sa kanya tungkol sa dating mister na si Tom Rodriguez.

Kung sakaling bumalik na sa Pilipinas si Tom mula sa Amerika at magkita sila ng hindi inaasahan sa bakuran ng GMA bilang pareho silang Kapuso, handa na ba siya?

Hindi naman po maiiwasan iyon, dahil ‘yun nga po, same industry po kami, bilang artista, ‘yun nga po GMA pa po, nagkataon po,” umpisang reaksiyon ni Carla.

“Inevitable po ‘yun. Of course, matagal ko na pong naisip ‘yun. Nai-prepare ko ‘yung sarili ko.

“Parang wala na po. Wala na akong mararamdaman kung sakali mang mangyari ‘yun or kung mangyari man na po ‘yun.

“‘Pag dumating na ‘yung araw na iyon, hindi na po. Wala na po.

“At least, kumbaga, kilala ko po ang sarili ko, parang ganoon po.

Confident na po ako na hindi naman ako parang magpa-panic or matatakot o malulungkot, parang ganoon.

“Ako naman po ay napaka-professional na tao. So, kung sakaling nasa studio po siya, o kunwari ay may show po, kung nandoon po siya, wala pong problema. Kumbaga, trabaho lang po.”

Pero hindi mangyayari na siya ang unang babati kay Tom.

“Ayoko po!

“Ayoko po because andami ko pong inaatupag, kailangang isipin.

“Hindi naman po. I don’t see the need. I don’t think it’s necessary na magkaroon pa ng ganoong initiative, attempt, o reach out.

“Hindi naman po kailangan. Hindi na po manggagaling sa akin,” seryosong sinabi ni Carla.

January 2022, tatlong buwan lamang mula nang ikasal sila ay naghiwalay na sina Carla at Tom.

Naka-move on na si Carla mula sa kanilang hiwalayan nila ni Tom.

Oo naman po. Definitely!

“Nahanap ko na po ‘yung aking peace, ‘yung talagang naisara ko na ‘yung chapter na iyon ng aking buhay.

“Lagpas-lagpas pa po, kumbaga, sa pagmu-move on. So, masayang-masaya po.

Definitely masaya po ako ngayon sa buhay ko. I’m happy where I am pati po sa kung sino ako today.”

Bukas si Carla sa oportunidad na maging magkaibigan sila ni Tom sa hinarap.

“‘Yung mga hindi nga natin akalain na hindi posible, nangyayari po. ‘Yung mga akalain nating mangyayari, hindi nangyayari.

“Kumbaga, sa buhay po, napakarami pong kaganapan na unpredictable. So, ayoko pong, kumbaga, tuldukan o maging definite sa anumang bagay. So, anything can happen.

“So, wala po akong gustong i-finish, i-finalize, i-set.”

Samantala, si Carla ang bagong artist ng All Access to Artists o Triple A Management. Si Popoy Caritativo ang dati niyang manager.

Ang Triple A rin ang namamahala sa career nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …