Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheree Ligaw na Bulaklak

Sheree sinita, huling sexy film na ang Ligaw na Bulaklak ng Vivamax  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PAHINGA muna raw si Sheree sa pagsabak sa sobrang sexy role, kaya huling sexy movie muna ng aktresang pelikulang Ligaw na Bulaklak ng Vivamax.

Wika ni Sheree, “I’m planning to take a break sa sobrang sexy na movie. Ito lang munang Ligaw Na Bulaklak ang last sexy role ko, unless… hahaha!”

Sa nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Chloe Jenna, Sheila Snow at Arron Villaflor, may love scene rito si Sheree na hubo’t hubad sila ng partner niya.

Ayon pa sa orig member ng Viva Hot Babes, ang 15 year old son niyang si Gian Haley ay nag-react sa mga sexy movies na ginagawa niya.

Aniya, “Sinabihan ako ng anak ko na magpahinga muna ako sa sobrang sexy role. Kasi sa school niya may isang incident nang pumunta ako, mayroong isang kuya yata ng isang student doon na lumapit sa akin, then sabi sa akin, ‘I watched your movie, you’re so good at it.’

“Tapos sinabi yung title, ang lakas pa nang pagkakasabi, ‘Nerissa!’ Kaya sabi ko, ‘shsss, shsss, later na lang iyan, huwag mo na dagdagan ng title,” nakatawang kuwento pa ni Sheree.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Pero ano naman, I’m very thankful pa rin sa Viva dahil sa very good opportunity, kasi kahit naman mga pelikula sa Hollywood may mga sexy pa rin naman. Pero siguro I’m just taking a break lang muna.”

Ano ang sagot niya sa kanyang binatilyong anak nang sinabihan siya nito?

Esplika ni Sheree, “Ang sagot ko sa kanya, alam mo anak, iyan ang dahilan kung bakit napapa-aral kita at saka nabibigyan kita ng magandang kinabuksan.

“Pero siyempre of course, ine-expect ko naman talaga na itatanong niya iyon sa akin balang araw. Kasi ay lumalaki na siya, nagbibinata na siya, so, I totally understand where he is coming from.

“Kaya nga medyo lie low muna ako ngayon sa pagpapa-sexy. And I am hoping that Viva will give me an opportunity to do a serious role, sana bigger and more serious roles.”

Dagdag pa ni Sheree, “So, iyon lang po ang pinapangarap at ine-expect ko na next na mangyayari sa akin, and siyempre po iyong directing, iyan ang next na target ko namang gawin.

“So, hopefully… pahinga lang naman ako sa pagpapa-sexy, hindi naman ibig sabihin na I’ll stop. Pahinga lang siguro muna, a few films lang muna ang i-skip ko. Untll magkaroon ako ng bigger and mas magandang istoryang project.”

Nabanggit pa ni Shreee, na magagaling sina Chloe at Sheila at hindi mahirap katrabaho. Plus matapang daw sa pagpapa-sexy at paghuhubad ang dalawang sexy actress, kaya may future talaga sila sa mundo ng showbiz.

Ang pelikulang  Ligaw na Bulaklak ay ang pinakabagong psycho-sexy thriller Vivamax Original Movie. Tampok din dito sina Marissa Sanchez, Dominic Roco, Jeric Raval, at iba pa.

Mula sa pamamahala ni Direk Jeffrey Hidalgo, streaming na ngayon exclusively sa Vivamax ang naturang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …