Sunday , April 13 2025
Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump irrigation projects ng Department of Agriculture – National Irrigation Administration (DA-NIA), inihayag sa presentasyon ng Solar Irrigation Projects na ginanap NIA Regional Office III sa Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan nitong nakaraang Biyernes.

Ang nasabing tatlong irrigation projects, may kabuuang budget allocation na P98.6 milyon ay matatagpuan sa Brgy. Sampaloc, San Rafael at sa mga barangay ng Tibagan at Malamig sa Bustos.

Ayon kay NIA Region III Regional Manager and concurrent OIC Deputy Administrator for Engineering and Operation Sector Engr. Josephine Salazar, ang pilot solar project sa Brgy. Sampaloc, San Rafael ay mayroong solar panels na nakainstila sa ibabaw ng irrigation canal.  Pinagagaan ng proyektong ito ang epekto ng paggamit sa agricultural lands para sa pag-iinstila ng solar panels, kaya mas malaking oportunidad ang ibinibigay sa mga magsasaka para gamitin ang kanilang lupang sakahan sa kanilang mga pananim, at pataasin ang kanilang kita.

Sa pamamagitan ng nasabing teknolohiya na kombinasyon ng solar panels, pumps, electronic controls for operation, concrete canals, water tanks, conveyance structures, at pump houses, mas cost-efficient ang sistema kompara sa fuel-powered pumps para sa mga magsasaka.

Mula noong operasyon ng Kapatiran Solar Pump Irrigation System, higit sa kalahati ng Annual Average Electrical Expenses ang nabawas.  Ang tagumpay ng proyekto ay naulit pa sa dalawang sites – BUSPAN Solar Pump Irrigation System sa Brgy. Malamig at ANBUSPA Solar Pump Irrigation System sa Brgy. Tibagan, sa bayan ng Bustos.

“Irrigation is the backbone of agriculture. Together, let us continuously work as we support our President Ferdinand R. Marcos, Jr., on his agenda of achieving full food sufficient country bilang ito po ang kanyang top priority,” dagdag ni Salazar.

Dagdag dito, sinabi ni IA Administrator Eduardo Guillen na ang irrigation projects ay makatutulong sa

estadistikal na pagbaba ng kahirapan at pagresolba sa inflation problems.

Samantala, nagpasalamat si Bulacan Vice Gov. Alexis C. Castro sa NIA para sa paglulunsad ng nasabing major projects sa lalawigan.

“Nagpapasalamat po tayo dahil malaking tulong ito sa mga magsasakang mabibiyayaan ng programang ito,” ani Castro.

Naroon sa event ang iba pang mambabatas upang ipakita ang kanilang pagsuporta gaya nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at House Representatives Edvic Yap, Erwin Tulfo, Elizaldy Co at Lorna Silverio, gayondin si San Rafael Mayor Mark Cholo Violago. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …