Friday , November 15 2024
arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis nang mangholdap sa Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, sa mabilis na pag-aksiyon ng mga tauhan ng Malolos City Police Station (CPS) ay nadakip ang dalawang indibidwal sa naganap na robbery hold-up sa Brgy. Mabolo, Malolos City, Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina John Michael Alasa at Allen Kevin Alasa, kapuwa residente sa Brgy. San Juan, Malolos City na taas-kamay na sumuko dahil replika lang pala ang gamit na baril sa panghoholdap.

Nakompiska sa mga arestadong suspek ang mga gamit ng huli nilang biktima at airsoft gun replica na ipinangtututok nila bilang panakot sa mga binibiktima.

Napag-alamang ang dalawang suspek ang itinuturong may kagagawan ng sunod-sunod na panghoholdap at pagnanakaw sa Malolos City at karatig lugar.

Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Malolos CPS, samantala kasong kriminal na paglabag sa  RPC Article 294 (robbery hold-up) at RA 10591 kaugnay sa paglabag sa Omnibus Election Code ang inihahanda para isampa sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …