MA at PA
ni Rommel Placente
SA isang inteview ni Joshua Garcia ay tinanong siya tungkol sa nababalitang bago niyang girlfriend, ang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier.
Sabi ni Joshua, “About that, okay, para maklaro na lahat and wala na ring maitanong ang lahat, baka sabihin kasi nila, idene-deny ko ‘yung babae, ‘di ba?
“Hindi ko siya idine-deny. It’s just that ako at siya decided not to share it with everyone kasi ‘yung relationship na ‘yan, eh kami lang naman ‘yung parte roon eh.
“Galing na kasi ako sa iba’t ibang klase ng relationship, and everytime na isine-share ko siya sa lahat, parang nagkakagulo, nagiging shaky ‘yung relatiohship, eh,” depensa pa ni Joshua.
Dugtong pa niya, mas pahahalagahan niya muna ang kanyang privacy at ang taong pinakamamahal niya ngayon.
“Hangga’t maaari kasi, sa panahon ngayon, mas okay kung private na lang tayo,” aniya pa.