Sa pinaigting pang operasyon ng kapulisan sa Bulacan ay nagresulta sa pagkaaresto ng limang indibiduwal na pinaghahanap ng batas sa iba’t-ibang paglabag sa batas.
Sa kampanya laban sa wanted persons ay naaresto ng Bulacan PNP ang tatlong indibiduwal na may utos ang hukuman para sila ay arestuhin.
Ang tracker teams ng Bulacan 2nd PMFC at San Jose Del Monte CPS ay arestado sina Sergio Valmera ng Brgy. San Rafael 5 para sa 2 bilang ng Acts of Lasciviousness alinsunod sa RA 7610; Rodalyn Estrada sa kasong Theft at Michael Ipio sa paglabag sa section 11 Article II ng R.A. 9165.
Samantala, sa ikinasang anti-Illegal drug operations ng Meycauyan CPS Drug Enforcement Unit (DEU) ay arestado ang dalawang drug dealers sa magkahiwalay na drug sting operation sa Brgy. Bahay Pare at Brgy. Pantoc, Meycauayan City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Julius Lampaso at Bryl Gie Torralba, kapuwa kabilang sa drugs watchlist.
Narekober mula sa mga arestadong suspek ang kabuuang 2.47 gramo ng shabu na may standard price na Php 16, 400.00.
Sinabi ni Police Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP na ang kanyang kapulisan ay hindi titigil sa mahigpit na kampanya laban sa masasamang elemento para mapanatili ang katahimikan sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)