Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pinky Amador Jillian Ward

Jillian nag-request ng totoong sampal kay Pinky

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL madalas ang eksenang sampalan sa Abot Kamay Na Pangarap lalo kapag eksena ng malditang si Moira (Pinky Amador), tinanong namin ang aktres kung nagkakatotohanan na ba sila ng sampalan?

“Actually, once…actually ako kasi sa daming beses ko ng nanampal, I can actually slap someone without touching them. 

“Depende na ‘yun sa galing, like lahat ng sampalan namin ni Ms. D, walang umabot doon kahit isa.”

Miss D is Dina Bonnevie of course na gumaganap bilang si Giselle na mortal na kaaway ni Moira.

Pero minsan naman may co-actor ka na humihingi ng sampal, actually there’s a trick to it, coz I took up stage fighting, ang pananampal mo lang ay ‘yung fingers mo, huwag mong ipapaabot sa palm, para dampi lang kumbaga.

“‘Pag matunog dapat medyo nangangalahati na ‘yung palm, kailangan ganoon. Na-vlog na ‘to ni Jillian (Ward), kasi may isang eksena na umaga tapos puyat na puyat siya from the night before, halos wala siyang tulog.

“Noong naghihintay siya for her to enter the scene nakakatulog na siya, so noong time na niya na darating na siya, ganoon, sasampalin ko, pak, hindi niya nasasabi ‘yung dialogue niya.”

Nag-request daw si Jillian Ward na totohanin ni Pinky ang sampal.

“Nag-request siya, ‘Direk paabutin na po natin’, so noong pagka-abot, dire-diretso ang dialogue with matching tears, waterfall, dire-diretso, walang nakalimutang isa, ni hindi nag-buckle.

“Which goes to show also when push comes to shove, roon makikita ‘yung galing mo, ‘di ba? Pero ‘yun na nga, may time na humihingi sila.

“Pero like kami ni Carmina, never, hindi kami…well ‘yung sabunutan, kasi ang dami na naming sabunutan, si Carmina na nga nagsabi na, ‘Hindi Ate Pinks i-ganoon (tama ng sampal) mo talaga.’

“Sabi ko, ‘Anak masakit’, ‘Hindi i-gaganoon mo talaga para mukhang totoo’.

“So anyway, hindi naman buong…normally naman take 1 or 2 lang naman kami, so iyon,” ang aliw na tsika ni Pinky.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …