Monday , April 7 2025

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng Quezon City Police District (QCPD) si P/Brig. Gen Redrico A. Maranan, pero hindi na matatawaran ang idineklara niyang gera laban sa kriminalidad sa lungsod partikular sa illegal drugs.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na ang droga ang karamihang ugat ng mga krimen kaya isa sa prayoridad ni Maranan sa kanyang pamumuno ang pagsugpo sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Ang kampanya laban sa droga ay bilang tugon ng Heneral sa direktiba ni PNP Chief, P/General Benjamin Acorda maging ni NCRPO Chief, P/Director General Jose Melencio Nartatez kaugnay sa nais ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na maayos at mapayapang Filipinas.

Sa nagdaang linggo, 10-16 Setyembre, may 51 drug peddlers ang naaresto ng QCPD mula sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng iba’t ibang police stations at operating units.

Ayon kay Maranan, sa 36 operations na ikinaaresto ng 51 katao,  32 ang pusher habang 21 ang user, at umaabot P2,458,115.60 halaga ng marijuana ang nakompiska at drug paraphernalia.

Sa operasyon ng Novaliches Police Station (PS 4) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jerry Castillo, tatlong tulak ang nadakip sa buybust operation at nakompiskahan ng 9 kilo ng Marijuana na nagkakahalaga ng P1 milyon.

         Ang drug operation ay isinagawa nitong 16 Setyembre sa Barangay Bagbag, Novaliches, QC.

Habang ang Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa ilalim ni P/Lt. Col. Leonie Ann Dela Cruz, dalawa ang naaresto nitong 14 Setyembre 2023 sa Road 1, Purok 6, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Ayon kay Dela Cruz, tatlong kilong marijuana (P360,000 street value) ang kanilang nakompiska sa dalawa sa isinagawang buybust operation.

Iyon lang ba? Hindi, at sa halip ay nagwagi rin ang anti-drug operation ni P/Lt. Col. May Genio, Station Commander ng Holy Spirit Police Station (PS 14), tatlo rin ang nadakip matapos bentahan ng droga ang pulis na nagpanggap na buyer sa ikinasang buybust operation sa  Himlayan Road, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. Umabot ng halagang P301,200 damo ang nakuha sa mga tulak.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

         “Hindi po kami titigil sa aming laban kontra ilegal na droga, bagkus ay lalo pa naming paiigtingin upang tuluyan nang matuldukan ang salot na dulot nito sa ating mga kababayan,” pangako ni Maranan sa QCitizens.

Dalawang linggo pa lang sa puwesto si Gen. Maranan pero, ang kanyang pangako sa QCitizens na protektahan at panatilihin ang kaayusan at katahimikan ng lungsod ay unti-unti nang inaabot bilang katugunan sa kahilingan ni QC Mayor Joy Belmonte.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

DDS magpapauto ba kay Imee?

SIPATni Mat Vicencio DESPERADO na si Senator Imee Marcos kung kaya’t ang lahat ng pambobola …

Dragon Lady Amor Virata

Mga kandidato bawal sa graduation rites

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGING kalakaran na tuwing sasapit ang graduation day ng …

Dragon Lady Amor Virata

Totoo kaya ang sumbong?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MASAMANG-MASAMA ang loob ni Parañaque mayoralty candidate Aileen Olivarez …

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …