Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Moira Dela Torre Maria Clara Sangria

Moira iginiit ‘di siya lasenggera

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si Moira dela Torre dahil siya ang first brand ambassador ng Maria Clara Virgin Sangria.

Ipinaliwanag ng mahusay na singer-songwriter sa grand launch niya bilang ambassador ng Maria Clara Virgin Sangria, kung bakit tinanggap niya ang maging endorser nito, kahit isa itong alcohol brand.

Sabi niya, “I had to think about it very well because that’s an alcohol brand, and I really wanted to be careful with my endorsements.”

Pero aminado naman si Moira na kinalakihan niya na ang nasabing inumin, at maging siya ay umiinom nito. Nagustuhan din niya ang campaign nito nang i-present sa kanya.

Ibinahagi nga ni Moira ang isang insidente na nag-TikTok siya habang umiinom nito.

Naka-tatlong glass po ako. Pagkatapos ko po i-shoot ‘yun, nalasing po ako,” natatawa niyang kuwento.

Pero nilinaw naman niya na hindi siya lasengga.

At hindi naman nakalalasing ang Maria Clara Virgin Sangria dahil non-alcoholic ito.

Sa tanong kay Moira kung sino sa mga kaibigan niya ang gusto niyang makasama habang umiinon ng Maria Clara Virgin Sangria, ang sagot niya ay si KZ Tandingan.

Si KZ kasi ang isa sa mga best friend niya, at madalas niya itong roommate kapag may shows sila sa ibang bansa.

Ikinuwento ni Moria na 4 years ago, nag-ASAP Rome sila at nagkayayaang uminom.

Sabi ko kay KZ, ako bahala sa ‘yo, aalagaan kita, inom tayo. Ang ending po, siya ang nag-alaga sa akin.

Si Moira ang sumulat at kumanta ng anthem ng Maria Clara Virgin Sangria titled Maria Clara at mapakikinggan na ang song sa Spotify.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …