SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MARAMI kaming nakitang may potensiyal sa ginawang paglulunsad ng Net25 sa 31 nilang talents para sa Star Center Artist Management na pamumunuan ng aktor/direktor na si Eric Quizon.
Nakita namin kung gaano ka-proud at protective si Eric sa kanilang mga alaga na animo’y mga anak niya.
Ginanap ang Star Kada: Net25 Star Center Grand Launch sa EVM Convention Center noong Biyernes, Sept. 15 at ipinakilala sa entertainment press ang 31 new talents na nagpakita ng galing sumayaw, kumanta, umarte, at mag-host.
Magagaling ang 31 at masasabi naming epektibo ang ginawang intensive workshops at training.
Kaya naiintindihan namin kung bakit ganoon ka-proud si Eric sa kanilang homegrown artists na mula audition hanggang sa workshop ay personal niyang pinangasiwaan.
“This show is a testament to their hard work, dedication, and the belief that anyone can achieve their dreams with the right training and support. What you will witness is not just a culminating show; it’s a celebration of their journey. What is more exciting, their family and friends will all be there to witness this celebration,” anang Net25’s Star Center Head.
Sinabi pa kay Eric na lahat ng 31 artists ay kinakikitaan niya ng potensiyal at depende na sa mga ito kung paano pangangalagaan ang kanilang craft at karera.
“Kasi, let’s face it, merong mga iba na sumikat pero pinabayaan naman, ‘di ba?” sabi pa ng aktor.
May dalawa nang shows na nakakasa sa mga Star Center talents. Ang una ay ang STAR KADA: THE ROAD TO KADA 25, ani Eric ay, “a daily afternoon reality show that will highlight their journey to stardom. It will feature exclusive videos of their workshops, trainings, and challenges. The second show is KADA 25 – a musical, light drama series that will air in the first quarter of 2024.”