Sunday , December 22 2024

Monching laro lang noon ang pag-arte

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKILALA noong 80’s si Ramon Christopher Gutierrez o Monching bilang male teen heartthrob, paano niya maikukompara ang batch nilang mga youngstar noon sa mga kabataang artista ngayon? May mga natutunan ba si Monching sa mga ito?

Siyempre kahit medyo matagal na tayo sa industriya mayroon pa rin tayong natututunan na bago from the young ones.

“Siguro ‘yung difference nila at saka ako noong kabataan ko, noong ginagawa namin ‘yung ‘Bagets 2’ ang feeling ko naglalaro lang kami.

“‘Yung mga bata ngayon mas serious sila sa trabaho nila, mas nakikinig sila sa direktor, kasi noong araw hindi kami masyadong nakikinig kaya napapagalitan kami,” at tumawa si Monching.

Feeling namin naglalaro lang kami.

So now I think mas responsable nga sila, pati sa kinikita nila and all that,” pahayag pa ni Monching na kasama sa pelikulang Huling Sayaw na palabas na sa mga sinehan ngayon.

Bida sa Huling Sayaw si Bugoy Cariño.

Mula sa Camerrol Entertainment Productions tampok din sina Belle Mariano bilang si Tiffany at Andy Abellar bilang Stephanie.

Nasa pelikula rin sina Mark Herras, Jeffrey Santos, Christian Vasquez, Emilio Garcia, Jao Mapa, Zeus Collins, Rob Sy, at Mickey Ferriols.

Ang pelikula ay idinirehe at isinulat ni Errol Ropero na isa rin sa mga producer ng pelikula kasama ang mga executive producer na sina Ronald Allan Guinto, Michael Endaya, Hon. Melvin Vergara Vidal, at Hon. Amado Carlos Bolilia IV.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …