Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jabo allstar Boy Abunda Cayetano

Jabo Allstar, Viva artist na!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HINDI halos makapaniwala si Jabo Allstar na isa na siyang ganap na contract artist ng Viva.

Ayon sa aktor, “Mayroon pong nagdala sa akin sa Viva na manager, ipinakilala po ako kina boss Vincent del Rosario and Boss Veronique and ayun po, same day ay nag-sign po ako sa Viva.”

Sambit ni Jabo, “Hanggang ngayon ay hindi po ako makapaniwala na artista na ako, iba iyong feeling kapag artista ka na pala talaga.”

Matagal na rin daw siya sa mundo ng showbiz at madalas ay lumalabas siya bilang talent or extra sa iba’t ibang TV shows.

“Marami na pong beses akong nakalabas sa iba’t ibang shows, talent po ako sa halos lahat ng shows sa ABS CBN at GMA-7. Ang tawag nga po sa akin, Ang Pinakamagaling na Extra sa Buong Pilipinas,” nakangiting wika pa ni Jabo.

Sa Vivamax ba siya mapapanood at game ba siyang magpa-sexy? “Hindi po ako sa Vivamax mapapanood, pero game naman akong magpa-sexy. Iyon nga lang, baka masuya sila dahil chubby ako, e, hehehe.”

Ayon pa sa newbie actor, ang gusto niyang genre ay comedy. “Bale, comedy po ang forte ko, pero gusto ko rin ma-experience iyong rom-com, at drama-action.

“Game na game rin po ako sa kontrabida role, na dati ko pa namang ginagawa na.”

Ano’ng wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career?

Tugon ni Jabo, “Siyempre po, wish kong maging isang napakalaking artista, isang big star! Kaya nga Jabo Allstar ang name ko e, hehehe.”

Si Jabo ay bahagi ng sitcom na Pepito Manaloto na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes. Siya ay napapanood din sa Cayetano in Action with Boy Abunda.   

“Yes po, show namin sa GMA-7. Mariteam po ako roon, na laging sumasali sa mga chismis and issue. Napapanood po ito every Saturday sa GTV and sa GMA-7 po tuwing Sunday at 11:00 PM.

“Parang talk show po ito na public service rin,” pakli ni Jabo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …