Tuesday , October 8 2024
Aga Muhlach Charlene Gonzales Atasha Muhlach Andrés Muhlach

Aga Muhlach isang malaking challenge, ‘mahirap kunan’ ng litrato

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG unang gabi ng lamay para kay Manay Ethel Ramos, ang tinitingnan namin ay ang kilos ng dati niyang alagang si Aga Muhlach. Dumating doon si Aga kasama ang kanyang buong pamilya. Hindi lamang sa career ni Aga, kundi maging sa kanyang pag-aasawa noon may papel na ginampanan si Manay Ethel. 

Nakatutuwa ring parang isa si Aga sa mga punong abala na kumakausap sa mga bisitang dumarating. Lahat ay kanyang pinakikibagayan. 

Kung sa bagay iyan naman ang ugali ng mga Muhlach kahit na ang mga nauna nilang henerasyon, kaya ang kanilang pamilya ay popular sa mga tao sa showbusiness.

Nang una naming nakilala si Aga, bale 14 years old pa lamang siya noon. Sikat na siya noon bago pa man ilabas ang una niyang pelikula bilang isang teenager, iyong Bagets. Kasi naman siya ang pinaka-guwapo talaga sa grupong iyon at ano man ang sabihin ninyo, bihira ang ganoon kagwapong lalaki. Ang isa pang artistang ganyan ang tingin namin ay si Alfie Anido.

Maliban kina Aga at Alfie, sino pa bang artistang lalaki ang ganoon katindi ang mukha?
            

Naging malapit sa amin si Aga noon dahil may hilig din siya sa photography, at para sa amin noon, si Aga ay isang malaking challenge dahil sa totoo lang, mahirap kunan ng litrato ang isang lalaking ganoon kaputi. Kung titingnan mo siya walang sayang na anggulo, pero basta kinunan mo ng litrato at hindi mo sinilip mabuti papalpak ka. Hindi naman kasi maaaring sabihin na may depekto ang mukha ni Aga, lalabas na ang may depekto ay ang mata ng photographer. 

Gamit ang isang simpleng box type camera, kinunan namin ng picture si Aga na ang gamit ay available light mula lang sa bintana. Medyo under ang exposure at kailangan naming mag-push ng one stop sa developing. Technical terms iyan ng mga fotog lamang ang nakaiintindi. Ang lalabas, medyo gagaspang ng kaunti ang picture. 

Pero ok lang kung marunong kang magtimpla ng tamang temperature ng developer. Sina Ben Nollora at Bobot Meru na kapwa mahusay na photographers ang coach ko noon sa pagde-develop. Ang turo nila, ang isang sukat ng Microdol, lagyan ng kaparehong sukat ng tubig mula sa refrigerator, at babagsak ang temperature ng developer mo sa 20 degrees. Doon mo i-develop ang film ng siyam na minuto, at presto lumabas ngang maganda ang picture. Katuwaan lang iyon, pero maraming ulit naming nagamit ang picture na iyon sa aming mga isinusulat na istorya. 

Tapos kinumbida kami ng photographer na si Jimmy Sayo, para sumali sa isang photo contest ng kanilang samahan noon. 

Nagtanong ako kung sino ang judges at sinabi naman sa akin, alam ko ang tipong litrato ng judges na iyon ay iyong light and shadow combination. Isinali ko ang black and white pic na iyon ni Aga, at hindi ko rin akalain, nanalo iyon ng first prize at tinalo pa ang ibang kuha ng mga fotog na mas professional sa akin. Kaya ang biro nga noon ni Romy Huertas, talagang maling tinuruang mag-develope si Ed eh.

Kung hindi kasi ikaw ang nag-develop, standard ang gagawin ng lab man at ang pictue na iyon ay lalabas na under exposed. Maputla iyon. Pero dahil sa nahabol sa developing,  naayos. Hindi lang ako kumita pa sa picture na iyon dahil nanalo nga sa contest, iyon ang nagsimula ng light and shadows na photography na pinag-aralan kong mabuti. Pati na ang paggamit ng film na mababa ang ASA at ipu-push na lang sa developing. Nangyari rin sa amin iyan, nakakita kami ng isang aksidente sa kalye, nagkataong ang may-ari ng kotseng naaksidente ay isang sikat na basketball player. Nang kukunan na namin ng litrato, wala na palang baterya ang aming flash. Hindi na namin alam ang gagawin dahil ang film namin ay 100 ASA lamang. Call a friend kami, ang turo sa amin ni Bobot, dayain mo ang camera mo, ilagay mo ang setting sa 400 ASA, kunan ng normal ang subject. 

Pagdating sa lab, gamitin ang dektol, ang ratio is 1 is to 10. Idevelop ng normal sa time at temperature. Aba nabuo nga ang litrato at maganda pa. Magmula noon pinagbakasyon ko na nang tuluyan ang flash ko, marunong na akong kumuha kahit na walang flash at madilim eh.

Pero iyan ang magaganda naming karanasan noong araw. Ngayon nakaka-buwisit na, magbubuhat ka ng mabigat na camera at mga lente, tapos ang kalaban mo ang hawak lang ay cell phone. Nag-eedit pa ng litrato sa cell phone, maiinis ka lang kaya huwag ka nang magdala ng camera, cell phone na lang din ang gamitin mo.

About Ed de Leon

Check Also

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney laging nakaalalay kay Vico, kasama sa pagpa-file ng COC 

I-FLEXni Jun Nardo ANG gandang tingnan nina Vic Sotto at Coney Reyes nang samahan ang anak na si Vico Sotto para …

Jesi Corcuera

Transman na dating sumali sa Starstruck buntis na

HATAWANni Ed de Leon TINGNAN ninyo, iyong transman na dating sumali sa StarStruck na babae at naging …

Elections

Politika showbiz na rin sa sandamakmak na artistang tatakbo

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG masyado na ngang showbiz ang politika sa ating bansa. Maging …

Pulang Araw

Pulang Araw tagilid, anyare? (produksiyon, kuwento maganda, artista sikat)

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT iyong kumakalat na tsismis na “on the red” na raw …

Mujigae Richard Quan a Alexa Ryrie Kim Ji-soo

Richard Quan, bilib sa co-stars na sina Alexa, Ryrie, at Kim Ji-soo sa pelikulang Mujigae

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HINDI kami nakapunta sa press conference ng pelikulang Mujigae, kaya …