Saturday , December 21 2024
Kadamay

 40 miyembro ng Kadamay sa Bulacan sumuko

INIURONG ng may 40 miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa  Bulacan ang kanilang suporta mula sa Communist Party of the Philippines front group.

Ang mga miyembro ng Kadamay na ito na puwersahang umokupa at naninirahan sa mga pabahay ng gobyerno sa Barangay Siling Bata, Pandi, Bulacan ay sinunog ang bandila ng CPP-New People’s Army gayundin ng Kadamay banners at nanumpa ng suporta sa  peace and development initiatives ng gobyerno.

Sila ay isasapi sa Samahan ng Malayang Kapatiran para sa Kapayapaan (Samakka), na dating Kadamay member-organization na itinatag ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict 3 noong Oktubre 2020.

Ikinukunsidera ng RTF-ELCAC 3 na ang kanilang pagsuko ay makasaysayang yugto sa laban para mawakasan ang may 50 taon nang armadong digmaan at karahasan.

Tiniyak ni Brig. Gen. Joseph Norwin D. Pasamonte, 703rd Infantry Brigade chief, na ang pamilya ng mga miyembro ng mga sumukong Kadamay ay patuloy na susuporthan ng militar sa kanilang lugar hindi lamang para sa katahimikan at seguridad kundi maging sa kaunlaran.

Ayon kay Armed Forces Northern Luzon commander Lt. Gen. Fernyl G. Buca, ito ay nagpapatunay sa lumalaking kamalayan ng sino man sa idelohiya ng komunistang terorista.

Ang pagsuko ng mga nabanggit na miyembro ng Kadamay ay kaugnay din sa Peace Consciousnes Month na may temang Kapayapaan ay Responsibilidad ng Bawat Mamamayan.(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …