Saturday , November 16 2024
Sipat Mat Vicencio

Sablay ang diskarte nina Go at Bato

SIPAT
ni Mat Vicencio

DAPAT bang politikahin pa ang FIBA World Cup? Ang problema kasi sa ilang senador, maka-epal lang, lahat ay gagawin at hindi na nag-iisip kung ang kanilang magiging aksiyon ay tama o mali.

Pansinin ang ginawang pabibo ng mga senador nang manalo ang Gilas Pilipinas laban sa China sa score na 96-75 noong Setyembre 2. Okay na sana ang mga palakpakan at sigawan ng mga senador bilang suporta sa atletang Filipino pero ang magsuot pa ng t-shirt na may tatak na WEST PH SEA, e mukhang sablay na.

Sabi nga, ang sports kailanman ay hindi dapat hinahaluan ng politika, at hindi nararapat na gamitin bilang protesta ng alin mang bansang nagbabangayan tulad ng Filipinas at Tsina na pinag-aagawan ang West Philippine Sea.

Dahil sa ginawa ng mga senador, bugbog-sarado sina Bong Go, Bato dela Rosa, Migz Zubiri, at Joel Villanueva sa kritisismo ng taongbayan kabilang na ang ginawang pagbatikos ng galit na galit na mga netizen dahil sa kanilang pagsusuot ng nasabing t-shirt.

“We need actions, not publicity,” sabi ng isang netizen sa mga senador. Dagdag pa ng isang netizen, “I am all for protesting and asserting our rights in the West Philippine Sea.  However, I don’t think that sports is the right venue. Those are Chinese athletes, not the Chinese Communist Party!”

At ang masakit nito, si Go at si Bato, ang higit na mapuputukan ng kanilang maling diskarte dahil sa reelectionist ang dalawang senador samantalang sina Migz at Joel ay hindi pa naman sasalang sa darating na 2025 midterm elections.

Ngayon pa lang kasi, maingat nang pinaghahandaan ng kanilang mga kalabang politiko ang darating na senatorial race, at sa bawat maling gagawin ng dalawang senador, tiyak na gagamitin ito laban sa kanilang kandidatura.

Katuwiran ng dalawang senador sa pagsusuot nila ng t-shirt na may tatak na WEST PH SEA ay bilang “morale-boosting win for every Filipino” at “to awaken the patriotic spirit of the national team.”

Hindi kapani-paniwala ang palusot nina Go at Bato, ang malinaw ay isang uri ng propaganda ang ginawa ng mga mambabatas na ang tanging layunin ay gamitin ang panalo ng Gilas Pilipinas para maiangat ang kanilang imahen sa darating na halalan.

Kung talagang seryoso ang dalawang senador na pukawin ang makabayang damdamin ng bawat Filipino, sa pamamagitan ng Senate resolution, magagawa nilang kondenahin ang patuloy na pananakot ng Tsina sa Filipinas.

At kahit pa ilang oras silang magpuputak sa tribuna ng Senado, wala sa kanilang makapipigil at tuloy-tuloy na maipaliliwanag sa taongbayan ang paulit-ulit na pambu-bully ng China.

Pero kung hindi pa rin kontento sina Go at Bato, makabubuting sumama na sila sa susunod na supply mission na gagawin ng Philippine Coast Guard at sumampa mismo sa BRP Sierra Madre, tuluyang magpaiwan at magbantay suot-suot ang t-shirt na may tatak na WEST PH SEA.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …