Monday , December 23 2024
Drug test

47 tauhan ng Bulacan PPO sumailalim sa random drug test

Nagsagawa ng random drug test ang Bulacan PPO sa kanilang 47 PNP personnel mula sa iba’t ibang municipal at city police stations sa lalawigan, na kabilang sa mga lumahok sa inilunsad na B.I.D.A. BIKERS o ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan’ (BIDA) Program na ginanap sa Bulacan Sports Complex, sa lungsod ng Malolos.

Dumalo sa programa sina SILG Benjamin Abalos, Jr., bilang Guest of Honor at Speaker, kasama si Bulacan Gov. Daniel Fernando.

Isinagawa ang random drug test alinsunod sa pinakamataas na pamantayan ng katotohanan at propesyonalismo ay pagpapatunay sa walang patid na pangako ng Bulacan PPO na panatilihin sa pinakamataas na antas ng integridad at pananagutan ang kanilang hanay.

Binigyang-diin ng inisyatibong ito ang dedikasyon ng mga alituntunin ng B.I.D.A. Program, na naghahangad na itaguyod ang drug-free at ligtas na komunidad para sa lahat ng Bulakenyo.

Ang naging resulta ng random drug test ay walang naging pag-aalinlangan, na lahat ng urine specimens ay kinolekta mula sa mga lumahok na tauhan na pawang nagbunga ng negative results para sa presensiya ng methamphetamine at THC metabolites, na parehong dangerous drugs.

Ito ay malinaw na indikasyon na ang mga tauhan ng Bulacan PPO ay drug-free at may ganap na kakayahang magsilbi sa komunidad na may dedikasyon at propesyonalismo. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …