PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
UY, tuwang-tuwa naman kami para kay Jillian Ward, ang ngayo’y itinuturing na Dramarama sa Hapon Princess ng Kapuso.
With her new title na Star of the New Gen, certified important and legit big star na nga si Jillian.
Sa tindi ba naman kasi ng inabot ng Abot Kamay na Pangarap na may very consistent top rating at nag-celebrate na ng one year sa ere, wala ngang dudang big star na si Jillian.
Hindi rin naman ‘yun naging madali para sa napakaganda at mahusay na batang aktres dahil since she entered showbiz when she was only six years old, na-prove na nitong ito na talaga ang kanyang magiging buhay.
Sa napakarami na ring mga hit series niya from then and now, dito talaga siya nagmarka at ngayon nga’y Star of the New Gen na siya.
Now at 18, mas focused na ito sa mga seryosong bagay at bongga na rin ang mga naipundar niya with the help, support and guidance of her family.
“Lovelife?,” hmmm…as per our last conversation with her, deadma muna siya sa usaping ito at wala talaga sa ganoon ang interes niya.