RATED R
ni Rommel Gonzales
TINANONG si Martin del Rosario (na gumanap bilang Prinsipe Zardoz sa Voltes V: Legacy) 20 taon mula ngayon at magbabalik-tanaw siya sa panahong parte siya ng top-rating sci-fi series ng GMA, ano kaya ang papasok sa kanyang isipan?
“Sobrang proud ako na maging parte nito and parang forever ko na ‘tong dadalhin kahit 20 years pa ‘yan. Kasi parang minsan ko masasabi na, ‘Ako si Zardoz!’ dito sa ‘Voltes V: Legacy.’
“So nakatataba ng puso, nakaka-proud, halo-halo, lalo na napanood ko kasi ‘yung ‘Voltes V: Legacy’ na alam kong nagawa naming maganda and maipagmamalaki talaga and puwedeng ipagmalaki sa ibang bansa.
At tulad ng alam nating lahat, hindi nagkatuluyan sina Prinsipe Zardoz at Zandra (na ginampanan naman ni Liezel Lopez) dahil namatay si Zandra, pero hindi dito natapos ang samahan nina Martin at Liezel.
“Right now nagte-taping po ako for ‘Asawa Ng Asawa Ko’ kasama pa rin doob si Leizel.”
Sabi pa ni Martin medyo nalulungkot siya dahil hindi na si Zandra si Leizel sa bago nilang pagsasamahan na programa.
“Medyo bittersweet ‘yung pakiramdam na nasa bagong show kami kasi talagang na-miss ko ‘yung dati.
“Ngayon na may bago kaming show nakakapanibago ‘yung feeling,” sabi pa ng hunky Sparkle artist.