Monday , May 12 2025
Ruru Madrid

Ruru umamin nanligaw ng teacher noong Grade 5

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY bagong movie si Ruru Madrid mula sa Viva Films at GMA Pictures. Ito ang Video City na katambal si Yassi Pressman

Dahil tungkol sa pagta-time travel sa past ang movie nina Ruru at Yassi na usong-uso pa ang pag-rent o pagbili ng video (VHS tapes at VCD), na isa nga sa sikat na rentahan noon sa Pilipinas ay ang Video City, natanong ang aktor kung sino ang taong nais niyang balikan in the past kapag nabigyan ng chance na makapag-time travel.

 Sabi ni Ruru, “Teacher ko noong grade 5 tapos nililigawan ko siya talaga. As in, totoong ligaw, like nag-iipon ako ng pera tapos reregaluhan ko siya ng bulaklak, tapos noong sinabi niya sa akin, ‘Sorry, I’m taken. Ikakasal na ako,’ nawalan na ako ng hope.”

Ayon pa sa boyfriend ni Bianca Umali, umabot ng isang linggo ang panliligaw niya sa kanyang teacher.

Niligawan ko siya ng mga one week, every day pinapadalan ko siya ng bulaklak.

“Tapos biglang noong last day na, sakto kaming dalawa na lang naiwan sa room namin, kasi ako ‘yung nag-aalalay sa kanya, ako ‘yung nagdadala ng bags ganyan,” pag-alala pa ni Ruru.

“Noong kami na lang naiwan (sa room) tinapat ko na siya. Sabi ko, ‘Ma’am, ma’am pwede bang maging tayo na? Kasi isang linggo na akong nanliligaw sa ‘yo.’ Tapos bigla niyang sinabi, ‘Sorry, I’m taken,’” kuwento pa ng aktor.

Paglalarawan naman ni Ruru sa kanyang teacher, “Bukod sa sobrang ganda niya, sobrang simple niya rin kasi, parang maganda siya pero hindi niya alam na maganda siya. Ganoon siya.

“Tapos, kahit ipinakikita ko sa lahat ng tao na crush ko siya, ini-entertain niya, ‘yung parang hindi niya ako ipinahihiya, hindi niya ipinaramdam sa akin na bata ako at ilang taon na siya.

“Never niyang ipinaramdam ‘yun. Parang para sa akin, pantay kami, teacher ko siya, estudyante niya ako, pero hindi niya ipinaramdam na mas matanda siya sa akin,” aniya pa.

Siguradong alam ng dating teacher ni Ruru na isa na siyang artista. At magbabalik-tanaw ito na sasabihin niya sa kanyang naging mister na minsan ay nanligaw sa kanya ang aktor.

Showing na sa September 20 ang Video City na mula sa direksiyon ni  Raynier Brizuela.

About Rommel Placente

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …