Friday , January 17 2025
shabu drug arrest

Nasabat sa Malabon buybust  
2 TULAK TIKLO SA P.3-M SHABU

NASA mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng pulisya sa dalawang bagong identified drug pushers (IDPs) matapos kumagat sa buybust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

               Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Allan Gapate, alyas Putol, 33 anyos, (HVI) ng Blk 10 Lot 51 Phase 2 Area 3, Brgy. Longos; at Clyde Drexler Nunag alyas Drex, 27 anyos, delivery rider ng Nepomuceno St., Velazques, Tondo, Manila.

               Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police hinggil sa sinabing pagbebenta ng shabu ni Gapate sa lungsod kaya isinailalim nila ito sa validation.

Matapos makompirma ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU ang buybust operation sa pamamagitan ng isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksiyon kay Gapate ng  P2,500 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ni Gapate ang marked money mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba, kasama ang kanyang kasabwat na si Nunag sa Dulong Proper Borromeo St., Brgy. Longos, dakong 11:00 pm.

Ani Col. Baybayan, nasamsam sa mga suspek ang halos P354,280 halaga ng hinihinalang shabu at isang tunay na P500 bill, kasama ang dalawang P1,000 boodle money na ginamit bilang buybust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …

Apo sa pamangkin minolestiya lalaki kinulata bago arestohin

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 43-anyos na lalaki dahil sa alegasyong panggagahasa sa 4-anyos …