RATED R
ni Rommel Gonzales
PATULOY na gumaganda at nagiging matibay ang relasyon nina Jak Roberto at kasintahan niyang si Barbie Forteza, na kahit magkaiba sila ng proyekto ay going strong sila bilang boyfriend/girlfriend.
Si Jak ay nasa The Missing Husband habang si Barbie naman ay bidang babae sa Maging Sino ka Man (katambal si David Licauco) na mapapanood na sa GMA simula September 11 kapalit ng Voltes V: Legacy.
Ano ang sikreto nina Jak at Barbie sa matatag na pundasyon ng kanilang relasyon?
“Tiwala po sa isa’t-isa.
“May assurance po kami and talagang pinoprotektahan po namin ‘yung feelings ng isa’t isa.”
Pulis ang papel ni Jak sa The Missing Husband, kaya tinanong namin si Jak kung noong bata pa siya at wala pa sa showbiz ay naging pangarap niya ang maging pulis.
“Parang hindi po, kahit noong bata ako, parang hindi naman po,” sagot ni Jak na kausap namin sa online mediacon ng serye na nabigyan siya ng role bilang pulis.
“Gusto ko lang po action, kahit ano naman.”
Umeere sa GMA Afternoon Prime, gumaganap sa serye si Jak bilang si Joed, at sina Yasmien Kurdi bilang si Millie, at Rocco Nacino bilang si Anton.
Kasama rin sa serye sina Sophie Albert bilang Ria, Joross Gamboa bilang Brendan, Nadine Samonte bilang Nona, Michael Flores bilang Banong, Shamaine Buencamino bilang Sharon, Maxine Eigenmann bilang Leila, Cai Cortez bilang Glenndolyn, Patricia Coma bilang Arya, at Bryce Eusebio bilang Norman.