Saturday , November 16 2024

Driver’s license scammers, tutuldukan ni Atty. Mendoza

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAKAGAGALIT at talagang nakabubuwisit ang mga taong ayaw pumarehas sa paghanapbuhay – pulos panloloko at panlalamang ang estilo. Tinutukoy natin ay itong mga nagkalat na scammers. Kaya mga kababayan, hindi lang kaunting pag-iingat ang dapat gawin, kung hindi doble ingat talaga.

Heto nga may lumalabas ngayon sa Facebook – nag-aalok ng serbisyo para sa pagkuha ng lisensiya para sa pagmamaneho. Aasistehan daw nila ang mga interesadong kumuha ng lisensiya lalo na ang first timer – student permit.

Aba’y maganda iyan! Lamang, e wala naman pinahihintulutan ang Land Transportation Office (LTO) na kahit anong pribadong kompanya para gawin ito o gawin nilang negosyo. Ibig sabihin, malinaw na ilegal o mas kilala sa tawag na ‘scammers.’ Tama! ISKAMER ang mga ‘yan.

Ano pa man, mabilis na inaksiyonan ng LTO ang estilong bulok na ito hindi lamang para sa ikaaaresto ng mga salarin kung hindi para maiwasang may mga mabiktima o madagdagan pa.

Bilang tugon, si Land Transportation Office chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ay nakipag-ugnayan agad sa Philippine National Police (PNP) para paigtingin ang kampanya laban sa mga online scammer upang masakote ang mga nasa likod ng sindikatlo.

Ang hakbangin ni Mendoza ay pagsunod sa direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na makipagpulong at pag-ibayohin ang mga hakbang laban sa mga online scammer. Partikular na nakipag-ugnayan si Mendoza sa PNP Anti-Cybercrime Group.

“We will enhance our partnership with the PNP-ACG to catch these scammers who are proliferating online. Talamak online itong mga grupo na nag-aalok ng tulong para mapadali umano ang pakikipag-transaksiyon sa LTO gaya ng pagkuha ng student permit, lisensiya o pag-renew ng sasakyan. Sa huli, nanloloko lamang sila at pineperahan lamang ang publiko,” wika ni Mendoza.

               “Hindi titigil ang LTO at iba pang ahensiya ng gobyerno hangga’t hindi nahuhuli ang mga gaya ninyo na nananamantala lamang ng kapwa. We are determined to put you behind bars,” pagdidiin ni Mendoza.

Ang babala ni Mendoza ay bunsod ng paalala ng LTO-Bicol sa publiko na maging mapagmatyag laban sa mga online scammer na nanghihingi ng malaking halaga kapalit ang kanilang serbisyo.

               Sa kabilang banda, sinabi ng LTO-Bicol na napag-alaman ng mga biktima na naloko sila ng mga scammer dahil peke ang lisensiyang ibinibigay sa kanila na karamihan ay nag-aalok ng kanilang serbisyo sa Facebook.

Hinimok ng LTO-Bicol ang mga netizen na ipaalam agad sa kanila ang mga grupo tulad ng ASP Manila upang hindi na mahulog sa kanilang patibong ang publiko at sa kanilang ilegal na transaksiyon.

At siyempre, para naman masugpo ang mga ilegal na aktibkidad ng mga iskamer ay kailangan ang tulong ng netizens.

“More than anyone else, kailangan ng mga awtoridad ang tulong ng publiko upang masawata natin ang mga scammers na ginagamit at sinasamantala ang teknolohiya upang makapanloko ng tao,” wika ni Mendoza.

               “Huwag kayong magdalawang-isip na ireport sa LTO o sa pulisya kung may impormasyon kayong alam tungkol sa mga grupong ito,” aniya.

Kung susuriin, wala sanang naloloko kung walang nagpapaloko…nakalulungkot ang nangyari sa mga kababayan natin diyan sa Bicol. Nabiktima ng mga iskamer at nawa’y magsisilbing aral ito sa kanila at sa lahat.

Actually, noon pa man…hindi pa computer age ay walang ipinalalabas na programa ang LTO hinggil sa pagkuha ng tulong ng pribadong kompanya para umasiste sa pagkuha ng lisensiya. Batid naman ng lahat na ang pagkuha ng lisensiya kahit ngayong computer age ay kailangang personal. Personal na pupunta sa LTO ang mga interesado at makakukuha lamang kapag pumasa sa mga pagsusuri.

               Kaya mga kababayan, mag-ingat ha…walang inatasang pribadong kompanya ang LTO para sa pag-asiste sa pagkuha ng lisensiya. Huwag na kasing tamarin …at ulit, walang iskamer kung walang nagpapaloko.

Pero ngayon, bilang na ang mga araw Ninyo! Kayong mga iskamer. Hindi kayo titigilan ni Mendoza at ng PNP.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …