Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes

Dingdong hawak pa rin ang pagiging Primetime King; nakatatawid sa acting-hosting

RATED R
ni Rommel Gonzales

BIHIRA ang artista sa showbiz na buong husay na nakatatawid-tawid sa pag-arte sa harap ng kamera at magaling din bilang host.

At kabilang si Dingdong Dantes sa mga ito.

Hawak pa rin ni Dingdong ang korona bilang Primetime King ng GMA. In fact, sa ngayon ay napapanood siya sa dalawang programa ng Kapuso Network.

Bidang karakter si Dingdong bilang si Napoy sa Royal Blood ng GMA at tuwing Linggo ay host naman siya ng The Voice Generations na judges Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar, at Stell ng SB19.

Sigurado na rin ang tungkol sa pagbabalik ng top-rating na “game show ng bayan” na Family Feud na umere noong March 2022 hanggang June 2023 na si Dingdong din ang host.

May pelikula rin sila ng misis niyang si Marian Rivera para sa 2023 Metro Manila Film Festival sa Disyembre, ang Rewind na collaboration ng Star Cinema, APT Entertainment, at Agosto Dos Media.

Kaya labis ang pasasalamat ni Dingdong na pinagkakatiwalaan siya na maging host at maging aktor sa mga pelikula at programa sa telebisyon.

Grateful ako that they always trust me with these things that I really love doing. Dati kasi noong pumasok ako sa GMA, hosting din’yung isa sa mga una kong ginagawa ko.

“And now nabibigyan ulit ako ng pagkakataon to host and at the same time also continue my love for acting.”

Saan siya mas nag-e-enjoy, sa acting o sa hosting? Ano ang pagkakaiba?

Well happy ako tuwing nasa GMA.

“Kahi anong ipagawa nila sa akin,” ang nakangiting umpisang sinabi sa amin ni Dingdong.

“And seriously, iba ‘yung fulfillment ng hosting, iba rin ‘yung fulfillment ng acting. Kailangan… kasi para sa akin ‘yung hosting, sobrang, ‘pag nandoon ako, parang kumbaga nakikipagkuwentuhan ka lang, relaks ka.

“And yet may hinahanap ka rin na isang… ‘yung artistic na kailangan mong gawin so rito pumapasok ‘yung pagkakataon na gumawa ng mga teleserye, ng pelikula.

“So kapag kinumbine (combine) mo ‘yung dalawang ‘yun, buong-buo siya, ‘yung total experience of being a performer,” pahayag pa ni Dingdong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …