Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Loinie Loisa Andalio Ronnie Alonte

Loisa binigyan ng 2nd chance si Ronnie

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview kay Loisa Andalio ng Push Bets Live, sinabi niya na noong time na pinagtaksilan siya ng boyfriend na si Ronnie Alonte ay hindi siya nahirapang patawarin at bigyan ito ng second chance. Ito’y dahil umamin ito sa kanya at nangakong magbabago at hindi na muling matutukso sa ibang babae.

Sabi ni Loisa, “‘Yung point na inamin niya ‘yung pagkakamali niya, ayun ‘yung malaking bagay. Kasi marami akong kilala sa past relationships ko na huling-huli mo na, hindi pa umaamin.

“So, mas mahirap patawarin ‘yung mga huling-huli mo na, todo-deny pa.

“Pero siya, aminado siya, at hindi na niya uulitin, eh, ‘di okay tayo.”

Ayon pa sa dalaga, pinili niyang magpatawad dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Ronnie. Ang pagmamahal din na ito ang naging daan para mapagtagumpayan nila ang pagsubok sa kanilang relasyon.

Para sa akin, choice talaga ‘yun, eh. Kasi wala rin naman talagang perfect na tao. Kahit ako, hindi rin naman ako perfect. 

“Sige, sabihin na nating magkakaroon din ako ng [bagong] relationship, for sure hindi rin naman magiging perfect ‘yun, eh.

“Kaya nga sabi nila, ‘di ba, ‘I’d rather have bad times with you than good times with someone else.’

“Parang okay na ‘yung may pinagdadaanan kayong ganyan, ang importante malalagpasan niyo ‘yun.

“’Yun dapat ‘yung goal. Hindi ‘yung maghihiwalay kayo ng dahil lang doon.

“Kasi kung sa maliit na bagay nga, naghiwalay kayo, paano pa ‘yung malalaking bagay na darating pa sa inyo?” katwiran pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …