Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kc maluha-luha umaasang maibabalik friendship nina Sharon-Gabby 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA upcoming concert ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion billed as Dear Heart: The Concert, na gaganapin sa October 27 sa  MOA SM Arena, umaasa si KC Concepcion na magiging parte siya nito.

Tanong kasi kay KC sa isang interview nito na kung magkakaroon ba siya ng special appearance sa concert ng mga magulang niya, na ang sagot niya, “Sana naman po, ‘no? Kasi, mali-left out ako kung hindi. Mapo-FOMO ako.”

FOMO o “fear of missing out” ang phrase kapag nakakaramdam ng pagka-left out ang isang tao.

Dugtong ni KC, mas matindi ang nararamdaman niya kompara sa iba sa pagsasama ng kanyang mga magulang sa concert.

Guys, alam niyo, ako lang ang anak nila. So, I don’t think na nararamdaman ng iba ‘yung nararamdaman ko about this reunion kasi mixed emotions siya.

“But, of course, nananaig ‘yung happiness ko.”

Sana raw ay simula ito ng mas magandang pakikitungo ng kanyang mga magulang sa isa’t isa.

Alam niyo, pangarap ko kasing makita ‘yung parents ko na masaya na nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo, magkaibigan.

“So hopefully, guys, pag-pray natin lahat na ito na ‘yung start talaga ng friendship nila.

“Hindi dahil gusto ko silang magkabalikan, don’t get me wrong. Hindi na.

“Pero, just… para happy, ‘yung light lang, ma-feel ko lang na… kasi parents ko iyan, eh.

“I always say, para sa lahat, it’s a show [referring to concert]. Pero para sa akin, guys, totoong buhay ko to!”

Napansing maluha-luha si KC ukol sa paksang ito.

“Tears of joy. It’s a dream come true. Not just for me, but for Sharon-Gabby fans who, you know, hope and dream and enjoyed their love team.

“Siyempre, kung may isang nag-enjoy ng love team nila, ako ‘yun. Kaya nga ako nandito,” ani KC ukol sa dating relasyon ng mga magulang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …