Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos Ryan Agoncillo Yohan Lucho Luna

Juday ayaw lumaking mangmang ang mga anak

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HANGAD ni Judy Ann Santos na ma-introduce sa mga anak nila ni Ryan Agoncillo ang matutunan ang mga basic sa buhay.

At dahil sa nag-trending kamakailan ang pagsama at pagtuturo niya sa panganay nilang anak na si Yohan (college na pala ito at 18 years old) na matuto ng pagsakay sa public transport, proud si Juday na nagkuwento.

Para naman hindi sila lumaking mangmang noh. Ako nga until mga 15 or 16 na ako ay sumasakay pa sa mga public transportation. Nagkaroon lang naman ako ng sasakyan noong binigyan na ako ni Tito Alfie (Lorenzo, ang yumao niyang manager at kaibigan natin),” sey ni Juday.

Proud ang iba nilang mga anak dahil sila naman ang makaka-experience very soon ng itinuro niya sa panganay. “HIndi lang kasi sa loob ng bahay sila dapat natuturuan gaya ng paglilinis at pagluluto,” dagdag pa nito.

Very soon din ay magbabalik ang Kusina series ng original primetime drama queen lalo’t siya ngayon ang newest ambassador ng naturang produkto.

Sa dinami-rami na rin ng mga recipe na ginawa, niluto at ipinakain ni Juday sa kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, pati sa mga nakasubaybay sa kanya, mas magiging espesyal ito dahil sa naturanf gatas.

Hindi naman siguro ako lalabas na trying hard dahil ito naman talaga ang gatas na noon pa man ay ginagamit na namin. Kung sustansya at sarap din lang naman, lagi naman itong nagpapaka-totoo na wala pa rin ditong tatalo,” hirit pa ni Juday tungkol sa kanyang latest product endorsement.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …