Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes Jakob Poturnak Ina Raymundo

Andrea bet maka-date ang anak ni Ina na si Jacob Portunak

MA at PA
ni Rommel Placente

VERY vocal si Andrea Brillantes sa pagsasabi na crush niya ang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Portunak. At bet niya itong maka-date. 

Parinig pa nga ng young actress sa baseball player na “single na me,” Break na nga kasi sila ni Ricci Rivero.

Marami sa mga netizen ang nag-comment na negatibo para sa kanila ang dating na masyadong out sa kanyang paghanga kay Jakob ang young actress. Ang pinanggagalingan, kaka-break lang daw nito kay Ricci. Kumbaga, sa nangyaring break-up, nakuha na ni Andrea ang simpatiya ng tao. Sana raw, pinatagal muna.

Mayroong nagpapaalala kay Andrea na, “Mahilig ka talaga sa player, kaya ka napaglalaruan.”

May nagsabi naman na, “Mahaba ang pila, pumila ka.”

At payo naman ng isang netizen, “Hayaan mo na ang guy ang mag-first move sa ‘yo.”

Sabi naman ng isa pa, “Ilang buwan pa lang break, umiigat na siya.”

Please lang ikalma mo muna yan. Hirap mo ipagtanggol sa mga basher, Time-out muna, last month lang ang break-up,” ang comment ng isa pang netizen.

Pero hindi naman natin masisisi si Andrea kung humanga man o magkaroon siya ng crush sa isang guy ‘di ba? Pero ano kaya ang magiging reaction ni Jakob kapag nakarating sa kanya ang pagkakaroon ng crush sa kanya ng dating ka-loveteam at girlfriend ni Seth Fedelin?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …