Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casino Mutya ng Cotabato

Albie patok pagkakalat sa pageant

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PINAG-UUSAPAN ang viral video ni Albie Casino habang nagse-serenade sa mga contestant ng Mutya ng Cotabato.

May mga nagsasabi kasing mukhang naka-inom o lasing ang hunk actor, habang may ilan namang nagsasabing baka umano lango ito sa kung anong substance.

Makikita kasi sa naturang video ang tila sobrang aktibo at in character na pagkanta ni Albie na may patakbo-takbo pa at akyat-panaog sa stage habang kinakantahan ang mga magagandang kandidata.

Marami naman ang nagtanggol sa aktor na ganoon daw ito kapag mataas ang energy  o di kaya’y nasobrahan sa matatamis na pagkain.

May kondisyon daw kasi itong ADHD, kaya malamang at natural itong naging hyper sa kanyang performance.

Kami naman ay kyut na kyut sa ginawa ni Albie dahil kahit non-singer siyang talaga ay sinikap niyang maitawid ang bonggang entertainment sa beauty pageant.

Hindi rin naman namin nakita o napansing may kakaiba rito dahil sa tagal na rin naming napapanood at nakakasalamuha si Albie na talagang naturalesa ang maging bungisngis, masayahin and yes, hyper active.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …