Saturday , November 16 2024
Sipat Mat Vicencio

Senado dominado ng kalalakihan

SIPAT
ni Mat Vicencio

KUNG titingnan mabuti, masasabing dominado pa rin ng mga lalaki ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso kung ihahambing ang bilang ng mga babae sa kasalukuyang komposisyon nitong 24 na miyembro.

At ang nakalulungkot, ngayong 19th Congress, bukod sa pinamumunuan ng isang lalaki ang Senado, pito lang ang babaeng senador kompara sa 17 “machong” legislator na namamayagpag sa kasalukuyan.

         Masasabing hindi patas, kung pagbabatayan ang numero ng mga senador, dahil iba pa rin kung higit na nakararami o hindi nalalayo ang bilang ng mga babae kung ihahambing sa mga lalaking mambabatas.

Sabi nga, higit na maisusulong ang interes o kapakanan ng mga kababaihan kung mismong sa loob ng Senado ay magkakaroon ng puwersa ang mga babaeng senador at maisakatuparan ang mga panukalang batas para sa kanilang mga kabaro.

Ang pitong babaeng senador na lumalaban para sa interes ng mga kababaihan ay sina Grace Poe, Cynthia Villar, Nancy Binay, Loren Legarda, Imee Marcos, Pia Cayetano, at Risa Hontiveros.

Sa darating na 2025 midterm elections, hindi na maaaring kumandidato bilang senador sina Grace, Cynthia, at Nancy dahil pawang last termer sila, at umaasang ang papalit sa kanilang tatlo ay mga babaeng kandidato.

Nitong nakaraang 2022 elections, dalawang babae lamang ang nakalusot sa senatorial race at ito ay sina Risa at Pia, at hindi naman pinalad si dating Senator Leila de Lima na nag-landing sa ika-23 puwesto.

Noong 2019 elections, umabot sa limang babaeng kandidatong senador ang nakalusot, at sila ay sina Cynthia, Grace, Pia, Imee, at Nancy, pero mapapansin na kalimitan o mayorya ng nakapapasok sa ‘Magic 12’ ay pawang mga kalalakihan.

Talaga bang dominado ng mga lalaki ang politika sa Filipinas? Mapapansin kasing kahit sa lokal at maging sa national elections lalo na sa Senado, pawang mga kalalakihan ang tumatakbo at nananalo, at mabibilang lang sa daliri ang mga babaeng kumakandidato at nakalulusot.

Ganito na ba ang politika sa atin?  Nasaan ang magigiting na babaeng lumalaban para sa kanilang interes? Ayaw kong maniwala, pero mukhang kinapos at naubusan na ng mga babaeng maggagaling sa Filipinas. Bow!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …