Thursday , September 21 2023
e-Sabong
e-Sabong

Tiniyak ng PNP
E-SABONG BAWAL NA CENTRAL LUZON

TUMALIMA si Police Regional Office (PRO) 3 chief B/Gen. Jose Hidalgo, Jr., sa kautusan ni Chief PNP P/BGen. Benjamin C. Acorda, Jr., na walisin ang  E-sabong sa bansa.

Ang kautusan ay mula kay Secretary of the Interior and Local Government Benhur Abalos, Jr., kaya lahat ng chiefs of police sa nasasakupan ni P/BGen. Hidalgo ay pinaalalahanan na  ang “one-strike policy” ay patuloy na ipinatutupad.

Ito ay para sa mga police officials na mapapatunayang nagpapabaya sa kanilang tungkulin at nabigong manmanan ang pamamayagpag ng mga ilegal na aktibidad sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay P/BGen. Hidalgo, Jr., ang mga awtoridad sa Central Luzon ay nagtatrabaho nang husto upang tugaygayan at maipatigil ang operasyon ng ilegal na E-sabong sa rehiyon, simula nang ipagbawal ito sa bansa sa pamamagitan ng Executive Order No. 9 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Dagdag ng opisyal, kasunod ng direktiba mula kay SILG Abalos, Jr., pinaalalahanan at inatasan niya ang lahat ng unit commanders na tiyaking ang E-Sabong at iba pang ilegal na online gaming ay hindi magkakaroon ng puwang sa ating lipunan at ang mga unit commanders ay papapanagutin kapag muling mamamayagpag.

Tiniyak niya na walang kahit sinong tauhan ng PNP ang sangkot sa naturang mga ilegal na aktibidad sa Central Luzon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …