Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Cuenca

Jake lagare sa trabaho hanggang Amerika

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA gitna nga ng mga mahihirap na action scenes na laging ginagawa ni Jake Cuenca sa The Iron Heart, may time pa rin ito para pagbigyan ang mga imbitasyon for shows.

Lumagare nga si Jake sa USA kamakailan (last week of July) dahil sa imbitasyon ng ilang Filipino communities sa  Florida.

Nagkaroon ng tinatawag na Fiesta Mo sa USA event sa naturang state na may showcase ng mga programs/events para sa Sama SayaPageant for a Cause, Fil-Am Food Vendors and Exhibitors, at kahit Kid Zone, na na-enjoy ni Jake.

It was a fun-filled meet and greet with our kababayans there. Madalian nga at wala talagang time mamasyal. Talagang kung ano lang ‘yung purpose pagpunta roon, ‘yun lang ang ginawa,” kuwento ni Jake.

Then pagbalik niya sa bansa early this August, back to his regular commitments ang mahusay na aktor. Mula sa mga commitment niya sa TV5’s Jack and Jill sa Manila, ay lumilipad sa Iloilo province ang guwapong aktor para naman sa top-rating action-series na The Iron Heart.

Where do you get the energy?,” tanong namin sa magaling na aktor sa isang set visit kamakailan.

I don’t really know. Maybe from the inspiration I got from doing various things and yes, cliche it may sound, from the people who appreciate and understand my work doon siguro,” sagot ni Jake.

Mahal na mahal ni Jake ang mga trabahong ibinibigay sa kanya. Sa punto nga kasi ng kanyang career, wala na siyang mahihiling pa kundi ang subukan ang mga role at trabahong nagiging sentro ngayon ng pagiging committed artist niya.

Uy, nag-viral din pala kamakailan ang bonggang regalo niyang bagong sasakyan sa kanyang nanay ha.

Long overdue ‘gift’ na nga ‘yun na galing sa mga pinagtrabahuhan niya sabi pa ni Jake na very soon ay umaasang pipirma ng bagong artist contract sa Star Magic.

Good luck and congratulations Jake!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …