AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
MAYROON nang mga jurisprudence o naunang desisyon ang Korte Suprema sa mga territorial dispute, ibig sabihin mayroon nang magagamit na “gabay” ang ating mga ahensiya ng gobyerno pangunahin ang Department of the Interior and Local Government, Commission on Elections (Comelec) at Department of Finance (DOF) kung paano dapat maresolba at agad na maimplementa ang kautusan ng kataastaasang hukuman na ang Parcels 3 & 4 of Psu 2031 (kinabibilangan ng 10 barangay) na nasa Makati City ay nasa legal na hurisdiksiyon ng Taguig City.
Isa sa jurisprudence na dapat pagbatayan ay ang Camarines Norte v Province of Quezon, sa November 1989 decision ng SC niresolba nito ang 67-taong territorial dispute sa pagitan ng dalawang lalawigan at idineklara na ang kinukuwestiyong siyam na barangay ay nasa hurisdiksiyon ng Camarines Norte.
Malaki ang pagkahahambing ng dalawang kaso lalo at inabot din ng 30 taon ang Taguig-Makati turf war bago naresolba pabor sa Taguig at gaya ng nangyari noon sa Camarines Norte at Quezon ay hindi rin naging madaling tanggapin ng local officials ang desisyon na nagresulta pa nga para patawan ng contempt sa pagsuway sa desisyon ng SC sina Quezon Gov. Eduardo Rodriguez at Calauag Mayor Julio U. Lim.
Nang patawan ng contempt ang dalawang local officials sinabi ng SC na naiintindihan nina Rodriguez at Lim ang final and executory decision hinggil sa dispute ngunit sinasadya lamang na hindi sundin. Tila pareho din ngayon sa ginagawang aksiyon nina Makati City Mayor Abby Binay at iba pang opisyal ng lungsod ng Makati.
Nang madesisyonan ng SC ang Camarines Norte v Province of Quezon territorial dispute noong 1989 ay nagkaroon din ng delaying tactics sa panig ng Quezon LGU, na parehas din ng ginagawa ngayon ng Makati, noong 2001 ay balik sa legal battle ang dalawang probinsiya sa paghahain ng dalawang magkaibang petisyon ngunit nanindigan ang mga mahistrado na ang ibig sabihin ng FINIS sa isang kaso ay END.
“Sadly, it is only Quezon Province and its officials who ignore the finality of the Decision and Resolutions of this Court. Their present petition attempts to re-litigate the same issues judiciously passed upon by this Court with finality. It is but imperative for this Court to write FINIS to these cases. Indeed, every litigation must come to an end; otherwise, it would become even more intolerable than the wrong and injustice it is designed to correct,” saad sa desisyon ng SC.
Sa Makati-Taguig dispute ay malinaw din ang desisyon ng SC, sinabi nitong, “The Supreme Court has put an end to the land dispute between the city governments of Makati and Taguig in connection with the Fort Bonifacio Military Reservation where the Bonifacio Global City Complex is now located. The Court ruled that the disputed properties are within the territorial jurisdiction of Taguig City.”
Malinaw din sa desisyon na hindi na tatanggap ang korte ng anumang pleadings, motions, letters, o kahit anong uri ng komunikasyon ukol sa kaso dahil nagkaroon na ng entry of judgment.
Ang desisyon ng kataastaasang hukuman ay “law of the land” kaya ang desisyon ng Camarines Norte v Province of Quezon ang dapat na sundin sa kaso ng Taguig at Makati.
Malinaw na sinabi ng SC sa nasabing kaso na “Respondents (Local officials) owe a special duty faithfully and honestly to comply with final decisions of this Court. It is of essence of an ordered and civilized community that the function of final resolution of disputes be located in a particular institution. In our system, that institution is this Court. Where, as here, there is clear and contumacious defiance of, or refusal to obey this Court’s Decision, we will not hesitate to exercise our inherent power if only to maintain respect to this Court, for without which the administration of justice may falter or fail.”
Kung hindi susundin ng Makati ang desisyon sa territorial dispute ay tila wala rin hustisya base na rin sa pananalita ng SC sa kaparehas na kaso.
Sa ating paghimay sa Camarines Norte v Province of Quezon case ay malinaw din na walang ipinalabas na WRIT OF EXECUTION ang SC, bagkus ipinatupad ito nang maayos ng mga ahensiya ng gobyerno sa pangunguna ng DILG, Comelec, DOF, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Budget and Management (DBM), at National Statistics Office (NSO).
Kinondena nga ng SC ang nasabing mga ahensiya sa sama-sama nitong aksiyon para ipatupad ang desisyon na kumikilalang ang siyam na barangay ay parte ng Camarines Norte.
Ganito rin dapat sa kaso ng Makati at Taguig, ang mga ahensiya ng gobyerno ang kumilos para sa transition o paglipat ng Parcels 3 & 4 ng PSU-2031 sa pagmamay-ari ng Taguig dahil gaya ng obserbasyon ng mga mahistrado hindi madaling tanggapin ng local officials na maalisan sila ng teritoryo, batid nilang pinal na ang desisyon ngunit magbubulag-bulagan at pipiliing lumaban kahit FINIS o end na o sa madaling salita nakamit na ang finish line.
Dapat nang tapusin ang Taguig-Makati turf war para na rin iwas tensiyon na sa mga residente kaya maganda ang ginagawa ngayong pagkilos ng DILG at Comelec lalo’t nalalapit na ang October barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE), na ang 10 barangay ay boboto na sa ilalim ng Taguig.