PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAMAMAYAGPAG ang career ni Andrea Brillantes.
Katatapos lang ng kanyang Drag You and Me, heto at magsisimula na soon ang Senior High na may dual role pa siya.
Puro bigatin ang makakasama ni Andrea sa series na nagsasabing magiging banggaan nila ni Xyriel Manabatkasama sina Angel Aquino, Mon Confiado, Baron Geisler, at Sylvia Sanchez.
Ang mga Gen Z stars na magpapatalbugan naman dito ay sina Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, Kyle Echarri, JK Labajo, Daniela Stranner, Miggy Jimenez, at Tommy Alejandrino.
Mukhang na-good karma nga si Andrea lalo’t sa mga previous interviews niya ay sinasabi niyang naka-move forward na siya at handa ng matingnan ng mata sa mata ang isang Ricci Rivero.