Wednesday , May 14 2025
Arrest Posas Handcuff

 ‘Pugante’ nasakote sa bahay ng pinsan 

NASAKOTE ng mga awtoridad ang ‘nawawalang preso’ (person deprived of liberty — PDL) ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City nitong nakaraang buwan ng Hulyo.

Walang nagawa ang ‘pugante’ nang arestohin ng mga  elemento ng Angono Police ang PDL na kinilalang si Michael Angelo Cataroja sa isang bahay sa Sitio Mangahan, Barangay San Isidro, Angono, Rizal bago mag-5:00 ng hapon nitong Huwebes, 17Agosto.

Sinabi ng ina ni Cataroja, umuwi umano ang kaniyang anak na PDL sa bahay ng kanyang pinsan noong Miyerkoles ng gabi , 16 Agosto.

Dumating umanong pagod na pagod at gutom si Cataroja at agad nakatulog sa bahay ng pinsan.

Sa tulong ng intelligence unit ng Angono Police, nakakuha sila ng impormasyon na ang napaulat na nawawalang PDL ng Bureau of Corrections (BuCor) ay nasa Sitio Mangahan.

Dali-daling pinuntahan ng mga pulis ang bahay na pinagtataguan ni Cataroja na nagresulta sa muling pagkakadakip sa kaniya.

Sa imbestigasyon ng Angono Police, sinabi umano ni Cataroja na madali lamang siyang nakalabas sa NBP compound.

Nakisabay umano siya sa mga dalaw sa paglabas ng compound at kasal na naglakad palabas nang hindi nahahalata.

Agad dinala si Cataroja sa Angono Police Station para sa beripikasyon at koordinasyon ng Philippine National Police (PNP) sa BuCor. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …