INIRERESPETO o iginagalang ng Land Transportation Office (LTO) ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) sa paggawad ng kontrata para sa produksiyon ng mga plastic card na ginagamit sa pag-imprenta ng physical driver’s license, ngunit hindi pa umano ito pinal.
Sa isang press conference, sinabi ni LTO chief Assistant Secretary, Atty. Vigor Mendoza II, hindi pa pinal ang injunction at may oral argument pang itinakda sa 22 Agosto para ilatag ang basehan kung bakit hindi dapat ipahinto ang imprenta ng mga plastic driver’s license card sa kinontratang Banner Plasticard, Inc.
“Certainly, this is a major setback on our goal of addressing the backlog on the physical driver’s license which we target to complete by September this year,” ani Mendoza.
“The backlog is around 1.7 million as of this month — and mounting everyday considering the number of applications we are receiving for new, and the renewal of driver’s license on a daily basis,” dagdag niya.
Binigyang-diin ni Mendoza, naging patas at transparent ang nangyaring bidding process.
Dagdag ng LTO chief, mahaba ang 20-day injunction na magreresulta sa lalong pagkaantala ng pagpapalabas ng plastic driver’s license.
Kaugnay nito ay naglatag ng iba’t ibang hakbang ang LTO para sa mga motorista na maaapektohan sa pagkaantala ng pag-iimprenta ng driver’s license cards.
Ang isang option ay itutuloy ang pag-iisyu ng papel na driver’s license , at ikalawa ay pag-engrave sa kasukuyang driver’s license ng extension ng validity nito.
“We hope that this issue would be addressed in the soonest possible time because it is the Filipino people who would certainly suffer from a prolonged legal battle,” anang opisyal.
Sa 25 Agosto, inaasahan na makapagde-deliver ang Banner Plastic Cards Inc., ng isang milyong driver’s license plastic cards, at 5.2 milyon plastic cards hanggang sa 21 Pebrero 2024. (ALMAR DANGUILAN)