Sunday , December 22 2024

Pangako ng Air Asia napako na

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

KALAT na kalat na pala sa Facebook at iba’t ibang social media groups ang panawagan ng mga kustomer ng Air Asia na pare-pareho ang isinisigaw – Tuparin ang pangakong refund sa mga pasaherong na-cancel ang flights!

Para daw kasing naumpog at dumanas ng matinding amnesia ang Air Asia dahil sa tagal ng pagre-refund nito sa pasahe ng kanilang mga pasahero. Sabi nga, iba ‘yung nakalimot at iba rin ‘yung ‘ayaw magbalik ng bayad!’ Alin ba sa dalawa?

Napakarami na palang Air Asia passengers ang nag-post ng kanilang mga hinaing sa social media dahil sa kabiguan ng airline na panindigan ang pangakong ire-refund nila ang mga tiket ng mga pasahero. Aba naman, iyong sa Cebu Pacific asawa lang ng kongresista ang nagreklamo nagwala na ang Kongreso, baka naman maaaring tingnan din itong reklamo ng 300 pasahero na hindi asawa ng may mataas na katungkulan sa gobyerno?

Ayon sa iba pang mga nagrereklamo sa Air Asia na kanilang ipinost sa kanilang Facebook public group, aba, taon na pala ang itinagal ng pagbibingi-bingihan ng Air Asia sa kanilang hiling na ibalik ang kanilang ibinayad sa tiket na hindi naman nila napakinabangan dahil sa cancelled flights. Ilang ulit na round flights kaya ang halaga nito kung sakaling susumahin ang halaga ng bayad sa tiket pati ang interes na sana ay tumubo kung ito ay idineposito na lang ng isang pasahero sa banko?

Gaya ng isang pasahero na si Tun Tair, nakakatatlong taon na pero “in progress” pa rin ang status ng kaniyang refund. Hindi rin daw sinasagot ng Air Asia ang mga emails niya na nagtatanong kung ano ang plano ng naturang airline company sa kaniyang refund. Nabingi na rin ba? Hindi na rin marunong magbasa? O mag-type ng sagot sa email?

Mayroon pang isang Australian citizen na si Rhonda Newborn ang nagmamakaawa sa isang Facebook page na tatlong taon na rin namuti ang mata kahihintay sa refund ng flight niya noong bago pa mag-pandemya.

Nawalan na rin daw ng pag-asa na makuha ang refund nina Ka Diong at Sun Cys, kapwa biktima ng cancelled flights ng Air Asia, may tatlong taon na rin ang nakararaan.

Aba Air Asia, patigasan na lang ba talaga ng mukha ang labanan dito? Dahil sa mga pangako n’yong napapako, may FB group nang “AirAsia Philippines – Refund Still-in-Progress Complaints” na ang karamihan ay 2020 pa ninyo pinangakuan na ibibigay ang kanilang refund. May pangako pa kayong papalitan na lang ninyo ng travel voucher and kanilang refund e nakatatatlong taon na wala pa rin?

Air Asia, makonsensya naman kayo.

Mga pangakong refund, pakibunot na po sa pagkakapako. Promise?

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …