Monday , October 2 2023
SM Foundation, pinaigting ang water conservation sa Palawan health facility

SM Foundation, pinaigting ang water conservation sa Palawan health facility

Upang paigtingin ang adhikaing pangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng mga mamayan para sa susunod na henerasyon, nagtayo kamakailan ang SM group ng isang rainwater harvesting system sa Brgy. Irawan Birthing Facility sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sa pangunguna ng SM Foundation, ang nasabing water system ay kayang mag-imbak ng higit kumulang na 800 litro ng tubig. Ito ay maaaring gamiting pandilig sa mga halaman, panglinis ng mga sahig at banyo, at iba pang mga nonpotable na pangangailangan ng pasilidad.
 

Upang paigtingin ang konserbasyon at tamang pangangasiwa ng tubig sa komunidad at suportahan ang SM Green Movement, ang tubig ulan mula sa bubong at alulod ay daraan sa iba’t ibang layers ng vinyl-coated mesh filters upang masigurado ang kalidad ng tubig.

Para masiguro ang sustainable use ng nasabing pasilidad, hindi ito nangangailangan ng kuryente upang gumana at may mga tubong direktang konektado sa ilang gripo sa paligid ng birthing facility. Ang mga nasabing gripo ay may visible markings upang lalong gabayan ang mga gagamit ng recycled na tubig.

About hataw tabloid

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …