Saturday , September 7 2024
Dead body, feet

Pagpatay sa binatilyong Navoteño kinondena

KINONDENA  ni Senador Win Gatchalian ang pagkakapatay sa 17-anyos na si Jerhod “Jemboy” Baltazar dahil sa ‘mistaken identity’ bagay na ayon sa senador ay hindi katanggap-tanggap.

Para sa mambabatas, dapat managot ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng binatilyo.

Kinastigo rin ni Gatchalian ang ulat ni Navotas City police chief, Col. Allan Umipig ng Northern Police District, na hindi gumamit ang mga pulis ng body-worn camera sa gitna ng operasyon na kumitil sa buhay ni Jemboy.

Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 1057 o ang Police On-Body Cam Act upang imandato sa mga kasapi ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at iba pang mga law enforcement agencies ang pagsusuot ng on-body cameras.

Sa ilalim ng naturang panukalang batas, bibigyan ng mandato ang law enforcement agencies na magbalangkas ng protocols at mahigpit na pamantayan para sa paggamit ng camera, na mananatiling nakabukas at tumatakbo hanggang matapos ang operasyon.

Matatandaang inilabas noong March 2018 ang PNP Memorandum Circular No. 2018-099 na nagtakda ng mga pamantayan at polisiya sa paggamit ng mga body-worn cameras.

“Dalawa ang magiging layunin ng pagsusuot ng on-body camera: protektahan ang publiko mula sa pang-aabuso ng mga pulis sa pamamagitan ng pinaigting na law enforcement accountability, at mabigyan ng proteksiyon ang mga pulis mula sa mga maling paratang ng pang-aabuso,” ani Gatchalian.

“Hindi katanggap-tanggap na napagkamalan na ngang kriminal ang isang inosenteng bata, hindi pa sumunod sa panuntunan ang mga sangkot na pulis. Nakalulungkot at nakagagalit na may isang buhay ang nawala, may pamilyang naulila, at may pangarap na nagwakas dahil sa pagkakamali sa operasyon ng mismong inaasahan nating nagtatanggol sa atin,” dagdag ni Gatchalian.

Nakasaad sa panukalang batas na dapat i-record ang kabuuan ng mga operasyon. Dapat din tuloy-tuloy ang pagrecord sa mga operasyon upang maiwasan ang pagmamanipula.

“Patuloy nating isusulong na maging batas ang pagsusuot ng mga pulis ng body-worn cameras sa kanilang mga operasyon. Sa ganitong paraan, mababantayan natin kung patas at makatarungan ang mga operasyon ng mga alagad ng batas,” pagtatapos ni Gatchalian.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

Krystall Herbal Oil

Warts sa gilid ng ilong natuyo, nabakbak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                I’m 49 …

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

Pormal nang binuksan ng Department of Science and Technology – National Capital Region (DOST-NCR), sa …

Carlos Yulo ArenaPlus

Sa makasaysayang tagumpay sa 2024 Paris Olympics
DigiPlus, ArenaPlus pinarangalan si Yulo, niregalohan ng P5-M cash

TINANGGAP ni double Olympic gold medalist and ArenaPlus brand ambassador Carlos Yulo — nasa gitna …